Chapter 13

6.8K 100 0
                                    

AKO'Y PAG AARI MO
Written By:Lorgee Rhy



"Oh miss Im so sorry hindi ko sinasadya, nasaktan kaba?,, tanung ni Alfred.

"Ouchh,! sakit ng balakang ko,,! maarteng sabi ng babae.

"Miss sorry talaga hindi ko sinasadya!,,, hinging paumanjin ni Alfred.

"Next time titignam mo na ang lilikuan mo handsome, buti nalang ako ang nabunggo mo,, kung iba lang siguro tinarayan kana",, nakangiting sabi ng dalaga sabay pungay ng mata.

"Naiilang naman si Alfred sa titig ng dalaga..

"Oh miss kung ok kana aalis na ako baka kasi hinihintay na ako ng mama at girlfriend ko," pag papa alam ni Alfred.

"That fast ni hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko",, wika ng babae.

Tila naman nahiya si Alfred.

"Ok sorry anu nga pala ang pangalan mo?, tanung ni Alfred.

"Ako si Bea,, sabi.nito na pinaganda pa ang ngiti.

"Ikaw anu pangalan mo?,, tanung ulit ni Bea.

"Alfred!,, nuon lang naalala ni Alfred na iabot ang kamay sa dalaga para formal na mag pakilala.

Mabilis namang inabot ni Bea ang kamay ng binata.at kapag daka nag paalam na si Alfred dito.

Sumilay naman ang makahulugang ngiti sa labi ni Bea at ipina ngako nya na mapapasakanya ang binata, kung kelan sundan nya lahat ng galaw ng binata ay gagawin nya.

"Oh bakit ngayon ka lang iho, kanina pa kami ni Angelica nag hihintay dito?,, tanung ng ina. 

"Eh kasi ma, may nabunggo ako eh," sagot ni Alfred na nakatingin sa dalaga na abala sa pag tingin ng cake sa oven.

"Anu yung nabangga mo, bata matanda,, kaw hindi ka nag iingat", sermon ng ina.

"Dalaga po ang nabangga ko ma", tugon naman sa ina.

Napalingon naman si Angelica sa tinuran ng binata.

"Kaya pala katagal mo at dalaga pala!,, nakabisangot na sabi nito sa nobyo.

"Ang sabihin mo iha baka nakipag kilala pa yan kaya natagalan!,, pang gagatong ng ina..

"Ma ha,, fyi hindi ako una, ung babae unang nag tanung sa akin", katwiran ng binata.

Bigla naman natahimik si Angelica dahil nakadama ng selos at napansin ito ng binata.

"Uy babe natahimik ka dyan,! sabay lapit ni Alfred sa nobya.

"Ayan kasi inutusan ka lang bumili may nakilala ka na agad,! ika parin ng ina.

"Mama naman, pag si babe ko nagalit sa akin dahil sa paratang mo.......

"Anu anu gagawin mo? tanung ng ina na hindi na punatapos mag salita ang anak.

"Syempre susuyuin ko sya,, lalambingin at mamahalin,, pero wag lang lalanggamin,,hahaha....tawa ni Alfred dahil naalala nya kung panu sya nilanggam.

Nangingiti naman ang dalaga dahil naalala din nya kung panu nilanggam ang nobyo.

"Oh bakit napasok ang langgam sa usapan?,, tanung ng ina.

Nag katinginan naman ang dalawa.

"Eh kasi nga ma, sa sobrang sweet ko sa babe ko takot akong langgamin,, hehehe...diba babe?,, tanung nito sa nobya.

Palihim namang kinurot ni Angelica sa tagiliran ang binata..

"Arayyy" sambit nito.

Napatingin naman ang ina..

"Oh bakit ka umaaray dyan? tanung nito.

"Eh kasi ma may langgam na kumagat sa tagiliran ko ma!, tugon nito na napapangiwi sa sakit.

"Luto na yata yong cake sabi ng ina at binuksan ang oven..

Umakbay naman si Alfred sa nobya at bumulong,,

"Babe masakit iyong kinurot mo, may parusa yan ha, nakangiting sabi nito.

"Dyan ka magaling sabi naman ng dalaga sabay irap sa binata..

Niyakap ni Alfred si Angelica na patalikod habang ang baba nito ay ipinatong sa balikat na dalaga habsng pinapanuod ang ina sa pag hihiwa ng cake.

"Anu ba Alfred nakakahiya kay tita,, " reklamo na nobya.

"Hay naku iha wag ka na mahiya ok lang yan",, nakangiti namang tugon ng mama ni Alfred.

"Babe pwedi mo ba ako samahan sa mall mamaya may nakalimutan kasi ako na gagamitin ko sa skul,, lam mo na graduating madami kailangang gawin,, ilang buwan na lang gragraduate na pala ako, parang kelan lang tayo nag kakilala babe!,, ani Angelica.

Masaya si Donya Virgie na pinapanuod ang dalawa na nag susubuan ng cake,, gustong gusto nya ang dalaga sa anak, dahil kahit mayaman ok lang sa kanya khit mahirap lang ang nobyo.

"Sana wag ka magalit sa anak ko pag nalaman mo ang tutuo iha!, bulong ng isip ng donya.

Nang matapos kumain ng cake ang tatlo nag paalam ng umuwi ang mama ni Alfred.

"Oh sya mauna na ako,, masaya ako at nakilala kita iha.." aniya sa dalaga.

"Ganun din po ako tita.", tugon ng dalaga.

Matapos humalik sa pisngi ang dalawa umalis na ang ina mg nobyo..

"Babe masaya ako at mag kasundo kayo ni mama,," sabi ni Alfred na yumakap paharap sa nobya.

"Ako rin babe masaya,, alam mo bang pamilyar sa akin ang mukha ni tita hindi ko lang alam kung saan ko nakita",, nag iisip na sabi ng dalaga.

"Siguro babe kamukha lang ni mama dami naman mag kakamukha dito eh",, tugon ni Alfred na kinakabahan..

"Siguro nga,. babe tara punta na tayo ng mall balik na lang tayo dito mamaya,. aya nya sa nobyo.

"Masusunod po mahal na prinsesa at para maparusahan narin kita mamaya, hahaha... tawa ni Alfred.

Piningot naman ni Angelica ang ilong ng binata.

Habang tumitingin tingin sila sa mga display na naroon may mata namang nanunuod sa kanila.
Nag ngingitngit sya sa nakikitang ka switan ng dalawa.Nakaakbay si Alfred sa dalaga samantalang nakapulupot naman ng isang braso ng dalaga sa bewang ng nobyo.

"Kailangan ko makalapit sa kanya ngunit paano,, iyong hindi ako mahahalata",, ani Bea sa di kalayuan na nakamasid sa kanila.

Masayang nag bibiruan ang mag nobyo ng biglang may nakabangga sa binata at natapunan pa ng coke ang polong suot nya...

"Shit ang lamig,, turan ni Alfred.

"Im sorry mister hindi ko sinasadya,, anang babae sabay punas ng basang polo ni Alfred sa may tapat ng dibdib..

Nagulat naman si Alfred ng makita ang mukha ng babae..

"Ikaw?,,,, 

AKO'Y PAG-AARI MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon