Kabanata 2

11.4K 245 3
                                    

Kabanata 2

Kasalukuyan sa isang Lumang Palasyo

Ilang taon na din ang nagdaan at naging madilim at malungkot ang minsang kay saya at kay gandang palasyo. Puno parin ng pait ang puso ng taong naiwan na nakatira at namuno sa palasyong ito.

Isinumpa niya na balang araw ay maiisasakatuparan niya ang kanyang mga plano. Dahil ngayon nararamdaman niya na malapit na niyang makita ang matagal ng hinahanap. At kapag nangyari iyon ay gagawin niya ang lahat para makahigante. Ipaparamdam niya sa taong yon kung ano ang pakiramdam ng mawalan at maiwan ng mag-isa. Kapag nangyari yon doon lang siya ulit sasaya.

Unknown P.O.V

Mahihinang mga yabag ang maririnig sa pasilyo kung saan nakatira ang lobong kinatatakutan ng madaming uri hindi lang ng mga lobo kung hindi kahit na mga bampira at mga tao.

Bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan siya pero nanatili parin itong nakatalikod at nakatanaw sa maliwanag na sinag ng buwan.

"Nahanap niyo na ba siya?" Nanginginig na napayuko nalang ang mga lalaking nakaluhod sa harap ng nakatalikod na lalake.

"Patawad po pero hindi pa namin siya nahahanap" nakayukong sabi ng isang lalake.

Lumapat ang kamay ng lalaki sa leeg ng lalaking nagsalita at binali ito sabay tingin sa isa pang lalake. "Hanapin niyo siya kung ayaw ninyong matulad sa kanya! Mga inutil!" Nanginginig na napatango nalang ang mga ito at umalis.

Umupo ang lalake habang nanlilisik ang mga mata at napahawak sa kanyang baba.

"Hindi sila dapat maging masaya habang ako nalang ang nagdurusa. Dapat ako ang unang makahanap sa kanya. Dapat ay mapatay ko siya. Dapat hindi sila magkatuluyang dalawa."

Pumailalim sa silid na iyong ang nakatatakot na halakhak ng lalaki pero tumigil din naman ito kaagad at napahawak sa kanyang baba “Pero mas masaya kung magkikita silang dalawa. Kapag lumalim ang kanilang relasyon don ko siya kukunin. Kapag mas matagal silang magkasama mas lalong masakit.”

“Ang talino ko talaga!” Halakhak ulit nito na tanging naririnig sa palasyong iyon. Ang boses niyang nakakatakot ang palaging naghahatid ng kilabot sa mga nakakarinig nito.

Dark Moon Academy Dormitory

Becka's P.O.V

Kring...kring...kring…..

Tumingin ako sa oras ng alarm clock ko ng marinig ko itong tumunog at nakitang alas 5 pa ng umaga kaya pinatay ko na ito sabay inat ng katawan at tumayo na sa kama ko. Kinuha ko muna ang mga unan at pinagpag iyon at inilagay sa silya na nasa harap ng table ko at tupi ng kumot at inayos na ang bedsheet sabay labas ng kwarto pagkatapos ko itong ayusin. Sanay na akong gumawa ng mga gawaing bahay kaya madali na sa akin ang gumalaw kahit ako lang mag-isa.

Pumunta na ako sa kusina para magluto kaya binuksan ko muna ang ref dahil sabi ni Krisha ay may laman daw ito na good for 1 day at kami na ang bahalang bumuli sa market place ng academy ng gagawing pagkain. Nakita ko naman ang frozen na manok kaya inilabas ko ito at ibinabad sa tubig. Sinunod ko naman ang pagsaing ng kanin at gumawa nan g pangmarinate tatlo ang niluto ko.

Next week pa ang pasukan kaya may oras pa ako para mamasyal at libutin ang napakagandang lugar na to. Maggogrocery ako mamaya pagkatapos kung kumain para naman hindi masyadong magastos para sa breakfast at dinner ko sa lunch lang ako kakain sa cafeteria.

Pagkatapos kumain ay naglinis muna ako bago inilabas ang mga gamit ko na nasa loob pa ng aking maleta at inilagay ito sa mga cabinet na bakante sa loob ng kwarto. Ang ibang mga gamit tulad ng frame ay inilagay ko sa sala ng kwarto. Malalaki kasi ang bawat kwarto ng dorm kaya ganito. Mga 10 minutes na sakay sa golf cart din o bus bago ka makarating sa academy talaga at 20 minutes kong papunta ka sa mini city sa loob ng academy.

Kinuha ko na ang planner ko at tinignan ang dapat na gawin. Ang unang nakalagay doon ay kunin ang uniform sa tailor shop na nasa mall na 20 minutes mula sa dormitory kaya lumabas na ako at inilock ang pinto. Paglabas ko ay nakita ko agad ang mga estudyante na nakikihalubilo sa mga kapwa naming freshmen. May guide naman ako na nakainstall na sa ipod kaya kahit saan ako magpunta ay hindi ako mawawala.

Paglabas ko ng dorm ay sumalubong sa akin ang mga golf cart na nakapark sa labas ng building. Lumapit naman ako sa isa at tinawag ito kaya napatingin ito sa akin.

“Manong…”

Ngumiti naman ito sa akin sa sabay tugon “Ano iyon Ineng?”

Tumawa naman ako ng mahina sabay marahan na napakamot sa aking ulo “Pwede po bang magpahatid sa mall?”

“Oo naman pwede sige na sumakay kana.”

Sumakay naman ako agad at nagpasalamat sa kanya. Para ko naring naging tour guide si Manong dahil kahit anong madaan namin ay sinasabi niya ang pangalan ng lugar.

Pagkatapos ng ilang oras ay nabili ko na ang dapat bilhin at dinala ito sa kwarto ko at inilagay ito sa dapat na lagyan. Tulad ng uniform na pinatuwid ko muna at nilagay sa hanger. Mag pagkain na inilagay sa refrigerator at paglagay ng mga pang hygiene sa loob ng CR.

Pagtingin ko sa oras ay alas 7 na pala ng gabi kaya naisipan ko na kumain nalang sa baba dahil matatagalan pa kung magluluto pa ako ng kakainin ko.

Pumila na ako para bumili ng pagkain at pinili ko ang isang serve ng adobo, fried chicken, dalawang serve ng rice at isang large ice tea na may madaming ice. Madaming kumakain kaya doon nalang ako umupo sa malayo sa iba na pangdalawahan lang ang pwedeng umupo.

"Can i sit here? Wala na kasi akong makita na table na vacant." Ani ng isang lalake kaya napatingin ako sa kanya

Ngumiti naman ako sa lalake sabay sabi ng "No its okay you can sit. Wala naman kasi akong kasama."

Umupo naman ito sabay lahad ng kamay "I'm Nate Blue, freshmen at Section Vampiro ako, ikaw?"

"I'm Becka Anna Taneza, freshmen sa Section Humanos ako." Tumango ito sabay ngiti kahit halos mabulunan na ito sa pagsubo ng dinner niya

Masaya kaming kumakain ng bigla nalang nagsitilian ang mga babaeng freshmen. Napatingin din ako dahil hindi ko alam kung bakit sila tumitili. Kaya naman pala dahil may mga nilalang na mula pa ata sa Mt. Olympus dahil sa angkin nilang mga karisma lalo na puro sila gwapo at maganda. Dalawang lalake at dalawang babae ang papasok ngayon sa pinto. Mukha silang hindi mga ordinaryong freshmen dahil sa aura nila. Bakit ko nasabing freshmen sila? Dahil pang freshmen lang ang dormitory at cafeteriang ito.

Kinalabit ko naman si Nate kaya napatingin ito sa akin. "Sino sila? Si Krisha lang kasi ang kilala ko sa apat na yan." Tanong ko kay Nate.

Ngumiti naman sa akin si Nate at tinignan ang mga tinitukoy ko "They are the Dark Supreme Council. Actually kulang sila ng isa. Ang siyang President ng Council busy din kasi yon." Napatango nalang ako sa mga sinasabi niya

"Pero wag kang mag-alala as long as you dont break any rules in this academy. Ligtas ka. Kain na ulit tayo." Tumango nalang ako sa sinabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain






Mate Of The Werewolf KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon