Kabanata 32

4.5K 94 0
                                    

Chapter 32

Life is full of shit and pain, get used to it or take a bullet in your brain.
-Best Quotes and Status

💙💙💙💙💙

Cashmarra

Pilit niyang pinipigilan ang matawa dahil naaalala parin niya ang reaksyon ng babae kanina habang hawak nito ang daga.

Ngayon nga ay patungo na siya sa exit ng maze kung saan naghihintay sa kanya si Nate.

Nasa harap pa rin si Becka dahil naghihintay pa ito kung kailan siya papasukin ng mga bantay na nasa labas.

Nakikita na niya si Nate na matiyagang nakaabang sa kanya sa may bandang exit.

Sinalubong naman niya ito kaagad ng yakap.

"Nag-enjoy kaba sa loob ng maze Cash?" naglalambing na ani nito sa kanya

"Oo naman. Alam mo pa nga." At doon na nakalimutan ng dalawa na hindi pa pala nakakatawid si Becka mula sa exit

Becka

Excited siya habang nakatayo sa harap ng entrance. Gustong-gusto na talaga niyang subukan ang loob ng maze. Sa katunayan nga ay nasa kamay na niya ang item na hindi niya dapat mawala.

Lumakad na siya papasok ng tawagin na siya ng nagbabantay at tinignan ang mga tanawin sa loob ng maze.

Malayo na ang nalakad niya ng may lalaki siyang nakita na nakatayo hindi kalayuan sa kanya.

Napaisip naman siya kung ito ba ang taong magbibigay ng pagsubok sa kanya kaya tinanong niya ito.

"Ikaw ba ang magbibigay ng pagsubok sa akin?"

Tumingin lang ang lalaki sa kanya. Hindi mo maaaniag ang mukha nito dahil nakasuot ito ng hood.

"Mahal na prinsesa dumating na ang araw ng inyong pagkawalay sa taong iyong minamahal."

Nahintakutan naman si Becka sa narinig "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?"

"Nasa kamay na namin ang paaralang ito. Wala ng makakapigil sa gustong mangyari ng aming pinuno."

"Ano ba talaga ang gusto ninyong mangyari? Bakit ba kayo gumagawa ng kaguluhan sa paaralang ito?"

Lumapit naman ang lalaki kay Becka at hinaplos ang mukha nito.

Hindi naman alam ni Becka kung bakit nahihilo siya bigla.

"Ikaw ang kailangan namin mahal na prinsesa. At buhay mo ang kapalit sa laban na sila ang nagsimula."

Hindi niya alam kung bakit siya nahihilo at kung bakit nanlalabo ang kanyang mga mata kaya napahawak siya sa gilid ng pader.

"Hindi niyo ako makukuha. Darating na ang mga taga council at ilalampaso nila kayong lahat."

Tumawa lang lalaki "Huli na ang lahat mahal na prinsesa. Dahil nagsisimula na ang laban."

Unti-unti ng pumipikit ang mata niya at lumilinaw naman ang mukha ng lalaki sa mga mata niya.

"Matulog ka ng mahimbing mahal na prinsesa."

"I-Ikaw.."

Bumagsak naman ang katawan ni Becka at sinalo ito ng lalaking nakaroba saka dinala at umalis na sa lugar na iyon.

Sa pag-alis niya ay siya ding pagsalakay ng mga kasama niya. Sinunog nila ang mga gusali at sinaktan ang mga estudyante.

Umatake na ang mga kalaban kaya walang nagawa ang mga estudyante kung hindi ang lumaban.

Nate

Pupuntahan na sana nila si Becka ng harangin sila ng mga kalaban.

"Anong kailangan ninyo sa paaralang ito?"

Ngumisi lang sila sa tanong niya "Nakuha na namin ang aming kailangan. Patayin mo man kami ay wala ng saysay."

Dahil sa narinig ay galit na pinutulan niya iyo ng ulo at hinarap ang mga iba pang kaaway na nasa harap nila.

Maririnig mo ang mga iyak ng mga estudyanteng nasaktan at mga takot nilang boses na humihingi ng tulong.

Gusto man nilang tulungan ang iba ay hindi nila magawa dahil narin sa madami pa ang nasa harap nila na mga kalaban.

Ang nasusunog na tanawin ang naabutan ng mga council ng academy. Hinanap agad ni Tyton sila Becka para siguraduhin na ligtas ito pero si Nate at Cashmarra lang ang kanyang nakita sa harap ng mga katawan ng mga kalaban na puro na walang buhay. Nilapitan naman niya ito kaagad.

💙💙💙💙💙
Authors Note

Malapit na po talaga. I wanna make the chapters more thrilling and painful pero di ko pa magawa. Hope na magustuhan niyo din ito.

Sino kaya itong mistery guy natin? Kilala niyo ba?

Kai Estrada

Mate Of The Werewolf KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon