Kabanata 27

5.2K 127 13
                                    

Kabanata 27

Angry? Take a deep breath before you speak, because your mouth acts quicker than your brain.
-Best Quotes and Status

Becka's P.O.V

Hindi namin namalayan ang oras at tapos na pala ang lunch break.

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming room at umupo na ako sa upuan ko.

Pumasok naman ang isang instructor.

"Good afternoon, student of Humanos A." nakangiting saad nito

Tumayo naman kami at bumati sa kanya sabay ng pagbow.

"Good afternoon, Miss Perry."

Pinaupo naman niya kami kaya umupo na kami ulit.

"Today you will meet your new classmate. Be sure to treat him well."

"Yes Miss."

Tumingin naman si Miss Perry sa pinto at pinapasok na ang bagong estudyante.

"Mr. Xanderfod please come in."

Unti-unti namang pumasok ang isang lalaking mukhang greek god.

Ang gwapo mula sa green nitong mata. Labing mapupula at kulay itim na buhok. Makisig din ito at may kataasan.

Ang mga babaeng classmate ko naman na mukhang walang pakialam ay bigla nalang nagsiingayan at nagtilian sa bagong dumating.

"Alright kids settle down. Mr. Xanderfod please introduce yourself." natatawang pigil ni Miss Perry

Pumunta naman sa gitna iyong lalaki at nagsalita habang nakatingin sa akin.

"Vextor Xanderfod."

Hindi ko siya pinapansin kahit na kanina pa siya nakatingin sa akin.

Hinayaan ko nalang siya tutal wala din naman siyang ginagawang kinagagalit ko.

Maliban nalang sa pagtingin sa akin ng matagal.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin Prinsesa?"

Tinignan ko lang ito gamit ang nagugulohang tingin.

"Hindi ako prinsesa at lalong hindi kita kilala."

Nagsalita naman si Miss Perry bigla.

"Today you will do something different. You will make a short roleplay about two people being inlove."

Naging masigla naman ang mga babae kong classmate pero nalungkot din agad matapos sabihin ni Miss ang groupings.

"Miss Taneza and Mr Xanderfod you both will be partners. Now class practice your play."

Few Minutes Later

Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay nakatayo na kami sa harap.

Sinimulan na agad namin ang aming palabas kong saan ang babaeng bida ay magpaparamdam ng pagsinta niya sa lalaking minamahal.

"Mahal na mahal kita Vextor. At sa bawat araw na dumaraan ay lalo kung ayaw na mapalayo sayo." naluluha kong sabi sa kay Vextor

Ito naman ang nagbigay ng mga linya niya. "Hindi ko din kaya kapag nawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita Becka." sabay yakap nito sa akin

Pumalakpak naman si Miss Perry.

"Well done Miss Taneza and Mister Xanderfod. Class dismissed."

Lumabas na kami sa room ni Vextor at dahil na din sa sinabi ni Miss kaya nayakap ko ito na mahigpit.

Napatili naman ako bigla ng humandusay ito sa lapag habang may putok sa labi.

Pagtingin ko sa sumuntok sa kanya ay si Tyton pala ito.

Sinuntok pa nito ulit si Vextor saka ako hinila palayo at dinala sa may Dark Moon Forest.

Sa madilim nitong mukha ay hinarap nito ako.

"Explain yourself Becka."

Yumuko lang ako dahil ayaw kong tumingin sa kanya lalo na at galit siya.

"Masaya lang ako dahil malaki ang score namin kanina. Sorry na."

Lumambot naman ang expresyon sa mukha nito at niyakap nalang niya ako ng mahigpit.

"Never do that again woman. Dont make me mad."

Yumakap din ako sa kanya "Hinding-hindi na."

🍂🍂🍂🍂🍂

Authors Note

May nagsabi dito noon kung galing ba daw sa Xanderford and Xanderfod. Oo po ang sagot pero hindi po ito sa Marlou ha.😂😂

Ang gwapo at ganda ng mga characters ko bawal kutyain. Well enjoy.

Kai Estrada

Mate Of The Werewolf KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon