Kabanata 30

5.3K 112 4
                                    

Kabanata 30

Friends are like stars, they come and go, but the ones that stay are the ones that glow.
-Best Quotes and Status

🐯🐯🐯🐯🐯

Dark Moon Academy

Becka's P.O.V

Excited na ako dahil ngayon ang simula ng Dark Moon Festival!

Sabi ni Tyton ay magiging masaya daw ito ng dahil sa mga events na gaganapin.

Kaya kaming mga estudyante ngayon ay nakapila na naman dito sa loob ng gymnasium.

Bawat department ay iba ang pila at iba ang mga suot. Malalaman mo rin ang year nila at section basi sa logo na nakalagay sa kanilang school uniform.

Isang linggo na din buhat ng mangyari ang aksidente dito sa academy.

Naalala ko pa talaga noong pinatawag ng council ang lahat ng estudyante sa gymnasium.

Flashback one week ago

Nakatayo ang mga estudyante sa loob ng gymnasium dahil may mahalaga daw na sasabihin ang King ng Council.

Nakatayo naman na ang mga council ngayon sa harap kaya tumahimik na ang mga estudyante.

"As we all know the academy has always been safe from danger. But yesterday a dead body was seen inside the academy." panimula ni Tyton

Nagbulungan naman ang mga estudyante dahil ito ang unang pagkakataon na may naging gulo sa loob ng academy.

"We just want you all to be vigilant. Be alert and report if you see anything suspicious." pagpapatuloy naman ni Gambre

Pagkatapos non ay natapos din ang assembly kaya pinauwi na ang mga estudyante.

Present

Nate's P.O.V

Umalis ang lahat ng taga council last week dahil may gagawin daw silang mahalaga.

Sa katunayan nga ay ngayon ang balik nila pero baka mamayang hapun pa sila makarating.

Tulad ng nakagawian ay saakin na naman inihabilin ng hari ang kanyang reyna dahil daw may gagawin pa ito.

Pero alam niyo naman kung gaano kakulit ang babaeng iyon buti nalang at napagtitiisan ni Tyton.

Katulad nalang ngayon na magkasama kaming tatlo na naglilibot dito sa bawat booth na makita namin.

Author's P.O.V

Nag-eenjoy lahat ng estudyante ng dahil na din sa mga kasiyahan na kanilang nakikita.

Katulad nalang nila Becka, Nate at Cashmarra halos nalibot na nila ang buong academy at natignan na rin nila ang mga magagandang booths na nakapupukaw sa mga interest nila.

Mula sa mga booths ng pagkain, damit, picture at mga games ay napuntahan na nilang tatlo.

Ang pinakahuling pinuntahan nila ay ang booth na ginawa ng mga magia na tinatawag na Maze of no Tomorrow.

{A.N Credits sa anime na Alice Academy.}

Ang taas ng pila kay naghintay pa silang tatlo.

Nagsalita naman agad si Becka "Nate gutom na ako pabili naman ng pagkain."

Tumawa naman si Nate ng marinig niya ang tunog ng kumukulong tiyan ni Becka.

"Sige ibibili kita." Tumingin naman ito kay Cashmarra at tinanong din ito

"What do you want to eat my lady?" Nagpapacute na saad nito kay Cashmarra

Ngumiti naman si Cashmarra "Yong tulad nalang ng kay Becka."

"Sige aalis na ako alam ko naman kong anong gustong kainin nito."

Umalis na si Nate at bumili na ng pagkain.

"Ang tagal pa ng pila." Naiinis na sabi ni Becka na tinawanan lang ni Cashmarra

🐯🐯🐯🐯🐯

So I'm feeling so sad. Ilang araw lang kasi tayong nag-rank 1 sa 2018. Hindi na kasi daily ang update nito. Pero salamat parin sa lahat ng support.

Paalala lang po ulit wag humingi ng updates palagi kapag bago lang ako nag-update. Nakakawala kasi ng gana.

Kai Estrada

Mate Of The Werewolf KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon