Chapter 3

8.5K 280 12
                                    


Chapter 3

"OH, NO, NO. Don't bring the laptop. Let's go."

Nabuwisit si Jaye sa sinabi ni Max pero naisip niyang magmumukha nga siguro siyang tanga kung bibitbitin niya ang laptop sa loob ng restaurant na pinagdalhan nito sa kanya. Bumaba na rin siya sa sasakyan.

Hindi na suot ni Max ang coat, mukhang nakauwi na ito at nakapagpalit ng damit; habang si Jaye ay naka-suit pa rin; hindi bagay sa ihaw-ihaw restaurant na pinagdalhan ng lalaki sa kanya. Kaunti na lang, karinderya na iyon. Sa lahat naman ng lugar, kung bakit doon pa siya nito naisipang dalhin para sa isang "business meeting." In fact, if it were a date, that would have been a terrible choice. Ni hindi niya naisip na nagpupunta pala ang lalaki sa mga ganoong klase ng kainan. Bukas iyon, walang airconditioning system, mausok din dahil sa dambuhalang ihawan. May nakatuhog na isaw at taba ng baboy pa siyang nakita, pati ibang lamang-loob. So siguro, hindi iyon tulad ng inisip niyang pretend business meeting, na actually ay date pala. Hindi naman siguro ganoon kabobo ang lalaki. After all, he still graduated from the best business school.

"I love the food here. Come on," anito.

She noted a tender tone in his voice. Halata naman na masiyahin ang lalaki. Hindi na yata nawala ang pagkakangiti sa mukha nito kanina pa. Yaman din lang na nandoon na sila ay naisip niyang huwag nang mabuwisit dito. Maybe the best thing to do was accept his friendship, if that was what he wanted. Maganda na rin iyong magkakausap sila nito. Masasabi niya rito ang mga opinyon niya. Pumuwesto na sila sa isang mesa na salamat at malayo sa usok ng ihawan. Imbes na sa tapat niya maupo ay tumabi ito sa kanya. Hindi na lang siya umimik. Um-order na sila.

"How do you like the place?"

"It's okay." She cleared her throat. Matagal na siyang hindi nakakakain sa ganoong lugar. Hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil bihira siyang mag-dine out. Most business dinners were also conducted in quiet restaurants. Paano naman makakapag-usap nang maayos sa ganitong lugar? May isang mesa pang may lamang mga manginginom. "Anyhow, I'd like to tell you... what the hell are you doing?" Iginalaw niya ang balikat. Ang kamay nito ay naroon na.

"I'm trying to take off your coat. It's hot in here."

"I can do that myself, thank you. You are treading on a very thin line here, Max." Hinubad na nga niya iyon. Kinuha nito ang coat, at maayos na isinampay sa isang upuan.

Mukhang hindi apektado ang lalaki. Walang malisya sa ngiti nito at pagkakatingin sa kanya. Hindi siya pamilyar na isang genuine na ngiti lang ang nasa mukha ng isang taong nakatingin sa kanya. "You were saying you'd like to tell me something?"

"O-oh, that." She silently cursed. Ano ba naman itong lalaking ito? Wala ba itong gagawin kundi titigan siya?

She had to admit, she got self-conscious with the way he was looking at her. Maayos ba ang makeup niya? Siguro mas okay kung iniladlad niya ang buhok? Sinalubong niya ang tingin ng lalaking nakangiti pa rin. It seemed he had no agenda. Bakit nga naman ito magkakaroon ng agenda? Wala itong pabor na gustong hingin sa kanya, mukhang hindi rin ito mapagsamantala. At hindi siya komportable na hindi mai-pinpoint ang kailangan ng isang tao sa kanya. Kinakabahan siya na hindi maunawaan. Iyon ang natural niyang reaksiyon sa isang bagay na walang pamilyaridad sa kanyang sistema. Sanay siyang alam ang baraha ng kalaban.

Tumayo siya at lumipat sa katapat na upuan. Nakangiti pa rin si Max sa kanya.

"Will you stop looking at me?" she requested.

"WHERE am I supposed to look?" Max asked Jaye. He smiled at her more broadly. This was the best performace of his life.

He hated every second with her. Masyadong mataas ang babaeng ito, masarap hilahin pababa. Iyon mismo ang gagawin niya. He had already set the trap, and he was going to make sure she was going to step on it, no matter what happened.

DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon