Chapter 8

7.4K 290 11
                                    

UNEDITED

____

Chapter 8

Sinamantala ni Jaye ang meeting ng mga miyebro ng board upang pumuslit sa opisina ni Max. Dala niya ang printout ng mga clues niya. Na-inspire siya sa sinabi ni Shelley. God, she was so in love she had become so corny. But she did not care. Sigurado siyang matutuwa si Max sa kapilyahang plano niya. Kapag nasagot nito ang lahat ng iyon ay mauuwi ito sa isang pangungusap: I will be waiting naked in your apartment.

Pilya siyang napahagikgik at pumasok na nga sa opisina nito. Isa-isa na niyang inilagay ang mga notes sa mga drawers nito. Papaalis na sana siya nang hindi sinasadyang masagi niya ang mouse nito. Nawala ang screensaver at napansin niyang bukas ang email nito.

Hindi na sana niya iyon bibigyang-pansin kundi lang rumehistro sa isip niya ang nadaanan ng mata niya doon. Hindi naglipat-sandali at natagpuan niya ang sariling binabasa ang tugon nito sa natanggap na email. Mukhang hindi pa nito tapos iyon.

Gail, how have you been? Love, I miss you too. But I will be back soon, I promise. When I get back, we fly straight to Vegas and then we go to Hawaii for our honeymoon.

Thanks for sending the pics. I can't believe how fat our little bundle of joy is! I think he's overweight. Seriously, love, take Sergeant to the vet, okay? I will call you when I find the perfect time. I don't want calling you when you're all tired and sleepy. It's hard when we're in countries with different time zones. I miss you so much. I love you.

Tigagal na siya sa puntong iyon. Tila wala sa sariling binasa niya ang sulat ng babaeng siyang tinutugon nito. Panay pagpapahatid ng pangungulila ang naroon. She downloaded the email attachment. Tatlong larawan iyon. Dalawang kuha ng isang Pekingese, isang larawan ng isang magandang Amerikana habang yakap ang maliit at matabang aso.

Hindi na mahirap mauwi sa konklusyon na nobya nito ang babae. Pero nobya rin siya nito. Pakakasalan nito ang babae... pero pakakasalan din siya nito. What the hell was going on?

Nagmamadaling kinuha niya ang mga riddles niya at lumabas na doon. Mabuti na lang at lunch break din ng sekretarya nito kaya walang nakakita sa kanya. Diretso siya sa kanyang opisina, walang lakas ang mga tuhod.

Hindi niya malaman ang kanyang iisipin. Ano iyon? Isang joke? Imposible. Aalis na ba ito ng bansa? Kailan? Wala naman itong sinasabi sa mga kasamahan niya. Kung sa matataas na tao lang nito sinabi iyon, tiyak pa rin niyang malalaman niya.

Her world was in chaos.

Pinilit niyang paganahin ang isip. Kung anu-anong alibis para dito ang naisip niya, hanggang sa huli ay nagpasya siyang huwag nang dumaan pa sa denial stage. Who was she kidding? It was not hard to add things up. Dalawa sila ng babaeng iyon sa buhay nito.

Hindi man niya alam kung sino ang mas matimbang para dito ay hindi na iyon mahalaga. Niloloko siya nito! May nalalaman pa itong unang pagkakataon pa lang na magse-share ng alaga, iyon pala'y may alaga rin ito at ang Gail na iyon! Oh, he was a deceitful bastard!

Napaiyak na lang siya sa kanyang mga palad. He broke her heart. Tahimik ang kanyang mundo nang dumating ito at ginulo lang iyon.

She wondered what his plans were. But those plans were not important anymore. Because he was an asshole. At wala siyang balak magpakatanga sa isang lalaking tulad nito.

Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. Nang maayos-ayos na ang kanyang lagay ay isinuot niya ang antipara at umalis na sa opisina. Her mother was right all along. No man was good enough for her. She just wished the truth did not feel so damned terrible inside.

DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon