UNEDITED
Chapter 11
Napansin ni Jaye, mula sa bintana ng conference room na adjacent sa opisina ni Max, na makulimlim sa labas. Mukhang uulan. Hiling niyang sana ay matapos na nila ang diskusyon upang hindi na siya abutan niyon at tiyak na aabutin siya ng siyam-siyam sa daan.
Mabuti na lang at risonable ang mga tanong nito tungkol sa report, kundi'y magrereklamo talaga siya rito. Nang pumasok siya sa opisina nito ay nakita niya ito sa conference room. Katatapos lang daw ng meeting nito sa head ng accounting department nila. Doon na sila nito nag-usap.
Madilim na sa labas nang makuntento ito. Nagbalik na sila sa opisina nito. He locked the door to the conference room.
"I'll get going," aniya. Tumango lang ito. Thank God he did not say anything personal. Nang buksan niya ang pinto ay naka-lock iyon. "Is this thing locked?"
"Is it?" Kumunot ang noo nito at sinubukang buksan ang pinto. "I guess it is. Baka na-lock ng janitor. I'll get the key." Inisa-isa nito ang drawer nito, sa huli'y naitaas ang magkabilang kamay. "It's not here."
"What do you mean it's not there?"
"It's not here, you can look."
"Okay. Doon na lang ako sa conference room dadaan."
Tumango ito at nagtungo sa pinto niyon. Nakapasok pa doon ang susi niyon. Nang pihitin nito ay nabali ang ulo ng susi. Napalatak na siya.
"Let me," aniyang bahagya itong tinabig. It was impossible to open it without pliers. "Why do you let the janitor lock your office?" Kunot na kunot na ang noo niya, naiinis na.
"He cleans this place every morning."
"I know! But why would he lock it? Hindi ba niya alam na nandito ka pa?"
"I don't know, okay?"
"Fine. Just call him and tell him to open the door."
Tumango ito at inangat ang telepono. "Oh, shoot. No dial tone."
"What? Gimme that!" Itinapat niya sa tainga ang handset. Wala ngang dial tone. Sinundan niya ang kurdon, nakakonekta naman sa socket. "Tsk. Naiwan ko sa opisina ko ang cellphone ko."
Kinapa nito ang bulsa. "I left mine in the conference room."
"Oh, this is crazy!" Inisa-isa na niyang buksan ang mga drawer ng lamesa nito. Wala nga siyang nakitang susi doon. Sinubukan niyang pihitin ang baling susing nakapasok sa pinto ng conference room pero pulang-pula na ang mga daliri niya ay hindi pa niya napapagalaw man lang iyon, masyadong maliit ang natirang bahagi ng susi.
Pabagsak siyang naupo sa couch. "What now?"
"I don't know."
"You don't know?"
"What's the big deal? The janitor will be here tomorrow morning."
"Tomorrow morning?!" Pikon na pikong nagbuga siya ng hangin. Paikot-ikot ang kanyang mata sa opisina, naghahanap ng maaaring gamitin para mapaikot ang susi ng conference room. "Do you have pliers?"
"Do I look like I have pliers here?"
"Well, I have a pair in my office. It comes in handy every once in a while."
"Well, I don't."
Napailing-iling na lang siya. Kung sana ay ordinaryong lock lang ay kaya niyang distrungkahin, pero magandang klase ang lock nito.
BINABASA MO ANG
DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in Disguise
RomanceJaye had always thought no man was good enough for her. But she had always dreamed of proving herself wrong one day. Matapang siya, mahusay sa trabaho, ilag sa kanya ang mga tao. But behind the tough exterior, she was a woman who wanted to find a k...