UNEDITED.
Chapter 6
Wow. Iyon lang ang pumasok sa isip ni Jaye matapos magsalita ni Max sa harapan. Nasa boardroom silang lahat, nagmi-meeting tungkol sa bagong produktong ilo-launch ng kompanya. Wala masyadong arte ang pagsasalita nito, direkta, firm, mabilis. She was impressed.
It had been two weeks since he first asked her out for a date. At mula noon ay walang nabago sa pakita nito sa kanya. And now this. Binawi na niya ang lahat ng unang ipinintas niya rito.
Max was no idiot. He was just a sweet guy. Her sweet guy.
Lihim siyang kinikilig at kung noong umpisa ay ikinaiinis niya iyon sa sarili, bumigay na rin siya dahil wala naman siyang magawa. Hindi niya mapigil ang kilig na iyon. Ni hindi nga niya alam na capable pala siyang kiligin ng ganoon. She thought it was just an exaggeration.
Masarap din palang kiligin. Maaari palang mangyari sa kanya iyon. It was such a welcome surprise. Trivial probably, but felt rather pleasant.
Isa-isa nang nagsitayuan ang lahat at umalis. Naiwan sila doon nito. She was just smiling at him, he was doing the same thing to her. Hanggang sa kapwa na lang silang magtawa. It felt nice, too, to laugh easily. Parang kay bilis niyang makakuha ng humor sa lahat ng bagay sa paligid niya.
"Kanina ko pa napapansin, ang lagkit ng tingin mo sa akin," he teased.
Nag-init ang kanyang mukha. Iyon ang parating hindi niya alam kung ikatutuwa niya. Parati na lang siyang nagba-blush. Kaunting tudyo lang nito ay nagmimistula na siya nasobrahan sa astringent parati.
Parang nakasanayan na nitong tudyuin siya. Ang tanging ipinagtataka lang niya ay para bang ingat na ingat ito sa kanya. Ni minsan ay hindi pa ito nagtangkang hagkan siya sa labi, kahit parati sila nitong nagde-date. Wala itong ipinapahiwatig na kung anong seksuwal.
She found that a bit strange because in her last two relationships, both her exs kissed her lips on the second date. At sa parehong lalaki ay siya pa ang umawat sa mga ito.
She had to admit she had thought about them kissing. She wondered what it felt like. Pakiramdam niya ay magiging kakaiba iyon dahil ibang-iba ang mga ipinadarama nito sa kanya kumpara sa mga naging dating nobyo niya.
Sometimes, he would just look at her and she would feel a tingle up her spine for some reason. Dama rin niya ang tensiyon kapag sila lang dalawa at napalis na ang mga ngiti nila sa labi. Gaya na lang sa pagkakataong iyon.
Wala na ang ngiti nito, nakatitig na lang ito sa kanyang mukha. Ang lakas ng tibok ng puso niya at para bang nag-iinit ang kanyang tainga. She wished he would kiss her.
Mukhang ganoon naman ang mangyayari dahil lumapit ang mukha nito sa mukha niya. She just closed her eyes and met his lips. She froze when she felt him smiling against her lips. Nang magmulat siya ay napansin niyang ang kamay nito ay nakalapat sa mesa, inaabot ang isang folder.
Parang gusto niyang lumubog sa kahihiyan. Inabot lang pala nito ang folder malapit sa kanya. Oh, God, it was embarrassing!
"I... I... thought y-you w-were g-gonna... I thought... y-you know." Agad niyang inabot ang folder at halos idiin iyon sa dibdib nito, "Here." Nagmamadaling nilikom na niya ang mga gamit niya.
Natigil lang siya nang iitsa nito pabalik sa dating puwesto ang folder. Napatingin siya rito. Nakangiti ito sa kanya. "I never thought it would be that awesome to reach for a folder so I'm doing it again."
Inabot nga nitong muli iyon, nakatingin lang sa kanya. Napasinghap na lang siya nang imbes na dumako sa folder ang kamay nito ay hinila siya nito palapit.
BINABASA MO ANG
DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in Disguise
RomanceJaye had always thought no man was good enough for her. But she had always dreamed of proving herself wrong one day. Matapang siya, mahusay sa trabaho, ilag sa kanya ang mga tao. But behind the tough exterior, she was a woman who wanted to find a k...