THE DARE

10 3 0
                                    

Ria's Point of view

I was a grade 10 student when I thought everything would change. I thought there would be true love for me. Siyempre bata pa ako non and umasa ako sa maling tao and maling timing. Maybe it wasn't really the right time. I became desperate back then. I thought it was real. Akala ko magkakaboyfriend na ako sa wakas dahil 16 na ako noon and just like now, NBSB. The only difference was I was hopeless romantic back then.

"Ria, si Ron o."

Pang-aasar ni Anna.

"Anna, will you please shut up? I don't care"

One time habang nagrerecess kami ni Anna na best friend ko, bigla na lang sumulpot si Ron, kaklase namin. Yun pala eh magsstart na ang klase. Natapos ang recess at naupo na si Anna sa harap dahil dun yung assigned seat sa kanya.

"Hi Ria."

Hindi ko kinikibo si Ron kasi as usual mangaasar lang yun.

"Ria, pansinin mo naman ako."

Si Ron. Nang-aasar na naman.

"Shut up. May klase o! Kung hindi ka makikinig, wag kang mandadamay!"

That was the first time na napikon ako. Sobra na kasi siya eh. Palagi na lang nang-asar tapos that time sa oras na ng klase. Naisip ko, "aba improving. Dati pag wala lang teacher ngayon habang may klase na din."

Hindi ako tinigilan ng pangugulit ni Ron.

"Ria, dali na."

Pasweet pa yun nakakainis.

"Bakit ba na nanaman ba?"

Nakakainis talaga ang kulit!

"Pwede ka bang maligawan?"

As if hindi ko alam na isa lang yun sa mga pang aasar niya.

"Che! Tigilan mo ako. May klase baka iligaw mo lang ako."

Everything started there siyempre kunwari wala lang pero deep inside, kinikilig na ako. Ewan ko ba. Hindi naman kagwapuhan si Ron, hindi ko ideal guy, pero mabilis ako mafall at marupok ako noon and I thought that time na baka siya na, baka kaya lagi niya akong inaasar dahil type niya ako. Kagaya sa mga love story. Pero akala lang pala ang lahat dahil nawala sa isip ko na nang-aasar lang siya. Oh diba ganun? Hindi natapos doon lahat.

"Ria, dali na magpapa alam ako sa inyo mamaya. Pupuntahan kita."

Pero patuloy niya pa rin akong kinukulit.

"Edi gawin mo, kung kaya mo eh."

Sa kanya pa nanggaling na pupuntahan ako sa bahay, siyempre gusto ko yun kasi gusto ko pag ako niligawan, kilala ng parents ko, and yung umaakyat ng ligaw. Hindi yung tipong sa text lang. Ano siya swerte? But that time hindi siya pumunta. But I didn't care maisip ko baka wala lang, baka inaasar niya lang ako.

Kinabukasan akala ko, wala na tapos na. Pero hindi pa pala.

"Ria."

Tinawag ako ni Anna. Akala ko naman kung sino.

"Hey. Anna. What's up?"

Tanong ko wala kasi akong masabi eh. Alam ko naman dahil buong gabi naman kami magkachat.

"What's up ka diyan? Ikaw ang what's up?"

Nagtaka ako sa tanong niya dahil bukod sa palagi naman kaming magkasama eh tapos nga magkachat kami kagabi at kaninang umaga.

"Ah Yung kahapon? Wala inaasar lang niya ako."

"Pakinig ko kaya sa harap" aniya

"Nang aasar nga lang. Hey, Anna, can you help me with a plan?"

Truth or DareWhere stories live. Discover now