Unang Tula (Bakit Ka Lumayo Krass?)

465 6 0
                                    


Wari mo bang tunay ?
Pagibig na sayo ko inalay
Maaaring saiyong alaala'y
Pawang walang saysay

Gusto kong sabihin sa iyo
Handa akong maging iyo
Ngunit sadyang ako'y bigo
Ika'y biglang lumayo

Wala man lang iniwang bakas
Sadyang ang lungkot lang ng wakas
Hindi ko man lang naibigkas
Pag ibig kong magpahanggang wakas

Walang naging tayo
Pero para sa aki'y totoo
Sayo ko lang naramdaman ang ganito
Subalit bakit iba ang ganti mo?

Ganyan lang ba ang nararapat
Sa kagaya ng pag ibig kong tapat
Na parang hindi sapat
Sa gakaya mong hindi mang lang    ipinagtapat na mali pala lahat

Maling ako'y umasa
Na sa iyo'y magkakapag-asa
At ngayu'y mawawalan na ng kusa
Na may darating pang isang tsansa

Gusto kong isigaw ang iyong pangalan
Muntik ko nang makalimutan
Ako'y wala palang karapatan
Hindi pala tayo nagmahalan

Tanggap kong hindi tayo para sa isa't isa
At sa iyoy may nalakaang iba
Na tunay na paliligayahin ka
At wala nang hihilingin pa

Gusto ko lang sabihin sa iyo
Kahit kailan ,alam ko
Ikaw lang ang "krass" ko
At iyan ay di na magbabago

Maaring ito na ang huling pagkakataon
Na sa iyo ko itutuon
Isipan ko na lagi ang tugon;
"Itigil mo na yan ,at may inilaan sa iyo na mamahalin ka ng tunay...... mula sa panginoon".

__________________









Tula Para Sayo At Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon