Paano ako magkaka inspirasyon
Kung ito'y may ekspirasyon
Di ko inasahan, ang ganitong sitwasyon
Subalit batid kong ito ay may leksyon.Maaaring nakakabuti o ang kabaliktaran,
Maaari hindi ko kayanin o ang kabaliktaran,
Maaring may tsansa pa o ang kabaliktaran,
Maaring ika'y bumalik o ang kabaliktaran.Maari ba kitang maging "maaari"?
Isang salitang aking winawari
Pinipigilan ko man, mahirap magkunwari
Angkinin man kita batid kong di maaari.Kaya't gagawin ko 'to
Para sa akin ,at para matuto
Matuto na tanggapin ng klaro
Pinangarap kita noon , at napagtanto kong di na iyon magkakatotoo.

BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo At Sa Akin
PoetrySaloobing napapaloob, at walang kakayanang maipahiwatig.