Pusoy nalulumbay, hindi alam ang pinanggalingan. Naparito sa sulok ng mundo, na animo'y walang nakakaalam. Mga nadaramang napapanahon. Ni-isa, may nakakaalam ba?
Handa nga bang makiramdam? Handa nga bang makiramay? Handa nga bang maparito? Nasan na?
Papano masasagot, kung wala namang pamantayan. Ni walang nakikinig. Ni walang nakakaalam. Katulad kong naparito lamang, may nakakalingon ba ?
Nalilito, ngayon ramdam kong ako'y handa na, bakit wala? Hindi nawawari, ako ba talaga ang magpapasya o ang panahon?
Kay tagal na ng byahe. Napapahinto sa mga lugar, may madaramang takot. May sumasakay, may bababa. Nang bumaba ang lahat, ako na nama'ng naiwan. Muntik makalimotan, sila'y may paroroonan din pala.
Walang magawa, itutuloy nalang ang paglakbay. Malayo pa ang daratnan. Nawa'y sa aking pagbaba, mayroong naghihintay at ako'y susunduin. Handang ihatid ako sa pamamahayan ng lumbay kong diwa.
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo At Sa Akin
PoesiaSaloobing napapaloob, at walang kakayanang maipahiwatig.