Ikaanim na Tula ( Iguguhit Kita )

148 2 0
                                    

Hindi man kita mahawakan
Magagawan din ng paraan
Para lamang ika'y masilayan
Lahat ay matatahakan

Para man lang sa sarili
Kahit papano'y mapapanatili
Mahirap kamang abutin
Ika'y nakaukit parin

Nakaukit sa isipan
Mukha mong aking pinagpapantasyahan
Sana'y hindi mo malaman
Sapagkat ako'y hindi nagpaalam

Pasensya na sapagkat
Hindi ko ipinagtapat
Tunay kong damdamin na kay tapat
Na hindi ko alam kung sapat

Nagdadalawang isip ako
Baka ako'y hindi sapat para sayo
Kayat iguguhit ko nalang ang mukha mo
Nang sa ganun ay para nating tayo


Tula Para Sayo At Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon