Kabanata 22

347 18 0
                                    

Warning: SPG

Kabanata 22

Liar


Nakapagbilang na ata ako hanggang 1000 ay hindi ko pa rin naipipikit ang mga mata ko. Ilang ikot na rin ang nagawa ko sa kama pero ang daming pumapasok sa isip ko. Sinilip ko ang orasan sa bedside table ko. Malapit nang mag-alas dos nang madaling araw, maaga pa akong gigising mamaya.

Ang balak kong pagtulog agad ay hindi nangyari halos wala akong tinulog nang gabing iyon. Wala na nga sana akong balak pumasok pero kailangan. Malapit na rin naman matapos ang school year kaya malapit na ang bakasyon. I think I needed to unwind. Sobrang nasstress na ata ako. High school pa lang ako, what more kung sa college na?

Tamad na tamad ako na bumangon ng kama dahil ayoko talagang makita si Zeijan ngayon. It may be our monthsary, a day where we should celebrate, pero para sa akin hindi iyon espesyal na araw. Gusto ko pa sana matulog dahil ala-sais pa lang nang umaga pero kahit anong pikit ko ay hindi ko na talaga magawang makatulog muli. Ang dami daming araw kung kailan ako pwedeng magmukhang puyat ay ngayon pa talaga?

Napalingon ako at hinanap ako phone ko nung tumunog iyon, umiilaw pa ito nang maabutan ko at agad na nasira ang araw ko dahil doon. Dapat masaya ako tuwing nakikita ko 'yun dahil hindi namimintis ang lakad naming dalawa tuwing may okasyon. Kahapon nga ay inaantay ko ang yaya niya sa kung saan pero wala akong nareceive na kahit ano.

5th monthsary!

Iyon ang nakalagay sa reminder ng aking cellphone. Hindi rin nakatulong yung mga nareceive kong messages nang ganito kaaga. Kahit ang iilan dun ay kagabi pa naisend, hindi ko magawang matuwa sa mga bati nila, it just doesn't feel right..

Wala na sana akong balak sagutin ang mga messages nila pero tumunog muli ang phone ko dahil may nagtext. Agad naman naghuramentado ang puso ko na para bang inaantay ang mensaheng iyon. Should I thank him for still greeting me after all?

Babe: Happy 5th monthsary.

I fucking hate you, Zeijan Lloyd!

Gusto ko na lang itapon ang cellphone ko hanggang masira iyon. Umagang-umaga ay sira na agad ang araw ko. Ano ba naman 'tong buhay na 'to. Huling araw na nga regular classes ay ganito pa. Gusto ko na lang matapos 'tong araw na 'to. Pakiramdam ko eh walang maidudulot na maganda ang araw na ito.

Nagmadali ako sa pagligo at pagbihis dahil nakita kong alas-siyete na ng umaga. I went down and saw Yaya fixing my bag, "Yaya. Si Mommy?" tanong ko kay Yaya Winnie. Nakaleave kasi si Yaya Cecil pero babalik din naman siya mamayang after lunch.

"Ma'am, nasa itaas pa po pero pababa na rin daw po sila!" aniya saka nagpatuloy sa pag-aayos bago lumipat sa porch para magwalis

Umupo na lang ako sa upuan at inantay sila Mommy. Pinaglalaruan ko ang kutsara't tinidor. Ayoko na sanang kumain ng breakfast pero paniguradong hindi papayag sina Mommy. Hindi pa man din ako pumapasok ay umiinit na ang ulo ko, halos maibunton ko ang galit dun sa kutsara't tinidor, nakakaawa. Muntik nang mabali.

"Brianna Ellis!" matalim ang tingin ni Mommy sa akin. Nabitawan ko tuloy ang kutsara't tinidor bago sila nilingon

Nakita siguro ni Mommy ang mukha kong parang dinaanan ng bagyo at siguro dahil na rin sa puyat ako. I'm pretty sure that the bags under eye are very prominent. Nilapitan niya ako at tinanong ng mga tanong tungkol sa problema ko. Basta ko na lang sinagot iyon at kumain na lang para hindi na nila ako kulitin pa. Pero kahit anong pilit ko na okay lang ako ay walang epekto iyon dahil hindi na napigilan ni Mommy ang mag-alala,

Sana Ikaw Na [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon