Kabanata 1

979 34 2
                                    

Kabanata 1

Brianna


Nang makita ko ang room ko ay sinilip ko muna ang bintana. Nako, medyo marami na sila. Nagsisimula na kaya? Kakatok na sana ako pero may biglang nagbukas ng pinto

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, kung hindi pa ako umatras ay paniguradong mauuntog ako sa pintuan!

"Ay sorry. Nagulat ba kita? Sorry talaga. Sige pasok ka na." sabi sa akin ng isang lalaki habang nakangiti

Ang ganda ng tanong niya ah, nagulat daw ba ako? Malamang! Kung ikaw kaya yung kakatok tapos biglang binuksan yung pinto, 'di ka ba magugulat? Kapapasok ko pa lang nastress kaagad ako.

Naagaw ko ang atensyon ng lahat 'pag pasok ko sa classroom, hindi ko man sinasadyang manguha ng atensyon pero huli na para sabihin iyon.

Napaisip tuloy ako, wala namang mali sa suot ko. Lahat naman kami ay nakacivilian. I believe I'm just wearing a tank top at isang high-waist na jeans, tinernuhan ko lang ng puting sneakers. Its not offending though, baka naman dahil late na ako? Yumuko na lang ako at naghanap ng upuan imbes na pansinin ang mga titig nila. Naiilang kasi ako.

I found a seat sa bandang dulong row, hindi naman ako late pero mas marami lang ang maaga sa akin kaya wala nang bakanteng upuan sa harap. Gusto ko pa naman sana doon para makapagfocus pero wala akong choice kung hindi ang manatili dito. Kung walang seating arrangement, aagahan ko na ang pagpasok.

I saw there and just observe my classmates. Ang bilis naman nilang maging mag-close. Lalo na iyong mga nasa harapan dahil mukhang mga nagtsitsismisan na sila. Yung mga lalaki din sa kabilang side, nagdadaldalan na. I feel like an outcast.

"May magiging close kaya ako dito?" bulong ko sa sarili ko habang mas sumandal sa aking upuan. I'm not really the type of student na unang nag-approach, I prefer to be approached than approaching others. Pakiramdam ko kasi ay lagi ko silang naiistorbo kapag ako ang lalapit. I'm quite shy too, sana lang talaga ay may makasundo ako.

I still believe that highschool friends will be your friends for life.

Dahil pre-occupied ang pag-iisip ko ay 'di ko napansin na may pumasok pala at umupo sa tabi ko, doon na lang kasi talaga ang may mga bakanteng upuan. Padabog siyang naupo doon kaya napatalon na naman ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko. Ano ba ito? Bakit ba lagi nila akong ginugulat?!

"Hi, may nakaupo ba dito?" tanong ng babae sabay turo sa inuupuan niya. May magagawa pa baa ko kung nakaupo na siya dun?

Umiling na lang ako at nanahimik.

Kahit gusto ko siyang kausapin ay hindi ko ginawa, nahihiya kasi talaga ako mag-approach. Kaya naman hindi ko inexpect nang kalabitin niya ako para kausapin,

Ngumisi siya, "Hi ulit, ako nga pala si Tamara Arellano, Tams for short, nice to meet you!" kumaway siya bago nakipag-kamay siya sa akin.

"Hi," sabi ko sabay ngiti, "I'm Brie. Brianna Ellis Montenegro, nice to meet you too." dagdag ko at nakipag-handshake din sa kanya.

Napa-english tuloy ako ng 'di oras. Hindi talaga ako sanay makipagkilala kapag tagalog.

"Englishera ka? May lahi?" halakhak ni Tamara

Agad naman akong umiling, "Hindi lang talaga ako sanay mag-introduce sa tagalog, sorry."

"Ah ganun ba? Nako 'wag kang mag-sorry. Maliit na bagay lang yun,"

Hindi na lang ako nagsalita dahil wala na akong masabi. Akala ko ay mananahimik na lang siya sa tabi ko pero nagsalita na naman,

"By the way, ang ganda ng pangalan mo! Ang lakas maka-artista!"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. I like my name too. I was named after my grandmother, Gabrianna. According to my mom, mahina na si Lola nung kabuwanan ni Mommy sa akin. They believed that my lola was just waiting for my birth bago niya kami iwanan, so they named me after her, binawasan lang kaya naging Brianna. Like what they've expected, she passed away a week after I was given birth. Nalungkot sila dahil doon but they kind of remember her from me kaya malapit ang loob sa akin ng mga kamag-anak naming sa side ni Mommy.

"Good morning!" bati ng isang babae na siguro ay nasa mid-30s at nakasuot ng uniform for teachers, mahaba ang kanyang buhok at medyo masungit ang aura.

Tumayo kami para as a way of respect sa teacher at sabay sabay na bumati pabalik. Nagpakilala na kami isa-isa. Ang dami namang sasabihin kapag magpapakilala. Lagi na lang tuwing first day of school! Ewan ko ba kung bakit kailangang i-emphasize pa iyon,

Isa isang nagtayuan ang mga kaklase ko, hindi ko halos masundan ang mga pangalan at pagpapakilala nila dahil ang dami nilang sinabi. Tinuro ako ni Ma'am pagkatapos magpakilala ni Tamara,

"And you are? Stand up and please introduce yourself," pangiti niyang sinabi.

"Hi, my name is Brianna Ellis Montenegro. You can call me Brie for short," I smiled,

I'm the only child of the Montenegro's. My family is known in the business industries, lalo na dahil isa kami sa mga madalas pag-investhan ng mga malalaking kompanya para maging supplier. I was born with a golden spoon pero hindi lumaking spoiled. Yes, I get everything that I want but in moderation, madalas kapag may okasyon lang. My mom never wanted me to grow up like a spoiled brat.

Pagkatapos ko magpakilala ay nagdiretso agad sa pagdidiscuss ang teacher namin. I tried my best to listen pero lutang pa ako, okay lang din naman dahil hindi pa naman iyon kasama sa mga lesson proper. Syllabus lang ata ang diniscuss.

Tumunog ang school bell namin hudyat na tapos na ang klase. Ganoon lang kabilis iyon? Uwian na agad? Siguro dahil uanng araw pa lang din naman. Tumayo na ako at nag-ayos ng gamit, handa na para lumabas ng classroom pero hinatak ni Tamara ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya,

"Brie! Uuwi ka na ba? Kain muna tayo, treat ko!" Ngumisi siya at nag-puppy eyes, nakakapit na siya sa braso ko tila ayaw akong pakawalan. Napangiti naman ako sa ginawa niya, I know its early to consider her as my close friend, pero siguro maganda na rin na kahit papaano ay may ka-close na rin ako.

Dahil kumakalam na rin ang tiyan ko dahil sa gutom ay pumayag ako sa gusto niya. Tinanggihan ko nga lang ang libre na sinasabi niya dahil may pera naman ako. Besides, its too early for her to treat me. Kakakilala pa nga lang namin!

"Ah sige, pero magcocommute lang ba tayo?" tanong ko dahil sigurado akong hindi ako pwede.

Ayaw kasi nila mommy at daddy na nagcocommute ako, they are persistent in reminding me na dapat laging kasama yung driver namin para ihatid at sunduin ako.

"Oo eh," untag niya, "Bawal ka ba?" malungkot niyang dagdag

"Yes," hilaw akong ngumiti, "But we can still go, pahatid na lang tayo sa driver namin," dagdag ko dahil mukhang nalungkot siya dahil sa nalaman

"Great! Let's go,"

"Sandali lang, magpapaalam lang ako sa mommy ko at itetext ko na yung driver namin para masundo na tayo,"

"Sure take your time."

Agad ako tumawag kay Mommy para magpaalam, pumayag naman siya kaya nagpasundo ako sa driver namin.

"Ma'am Brie, saan po kayo pupunta?" tanong ng driver

Lumingon ako kay Tamara at nagtanong, "Hey, ano, saan ba tayo kakain?"

"Ikaw? Saan mo ba gusto?" malumanay niyang sagot

I think I want frappucino and some cinnamon rolls too!

"Manong, Starbucks na lang po!"

"Okay Ma'am," tumango siya bago nagdrive papunta sa pinakamalapit na Starbucks

Sana Ikaw Na [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon