Kabanata 41

280 16 0
                                    

Kabanata 41

I'm sorry


Kinabukasan ay maaga akong tumungo sa opisina. Hindi papasok sina Mommy dahil may business trip sila sa Ilocos ngayong araw, nagising ako dahil na rin maaga silang tumulak pa-norte. I just decided to go to the office early, it's my first day technically. Sigurado din naman akong wala pang papasok nang maaga ngayon.

The usual office schedule of 8 in the morning is far from the time I arrived at the parking area. Alas sais y media pa lang ng umaga ay nandito na ako. May iilang mga sasakyang naiwan sa parking lot, pero mabibilang mo lang ang mga iyon.

I grabbed the snack I bought on the way at agad bumaba ng sasakyan. Kagabi ay kinatok ako ni Daddy para sabihin na sa executive floor ng parking area ko i-garahe ang aking sasakyan. Aniya ay para iyon sa mga executives ng department at mga kasama sa board. Nalaman niya siguro na sa basement parking ako nagpark kahapon, which is intended for the employees and visitors of the company only.

Napansin ko ang isang pulang Chevrolet na nakapark malapit sa Post #5, hindi ko alam ang dahilan pero nagtindigan ang mga balahibo ko. I suddenly feel nauseous. Naisip ko pa nga na baka kay Tito Greg lang yun, or to someone na naisipan din pumasok ng maaga. Wait, does Tito own a Chevrolet?

Hindi ko alam ang nangyari but I just found myself pressing my face against the mirror of the red Chevrolet, sinilip ko iyon para malaman kung may tao at nang makita na wala ay nawala ang kabang naramdaman ko. Nakakatakot kasi dahil sobrang laki nang parking area, adding to the fact that its too early in the morning at may nakapark nang sasakyan dito. Gosh! Sinong hindi kakabahan at matatakot dito? Parang palabas lang sa mga pelikula..

I rode the elevator and immediately travelled to the 22nd floor, dahil nga maaga pa kaya mabilis lang akong nakarating doon. Wala akong nakasakay bukod sa janitress na sumakay mula sa lobby. May kanya kanya kaming susi sa opisina dahil depende iyon kung sino ang unang dadating at magbubukas. I forgot to tell Tito na maaga akong pupunta nang office ngayon, I was about to call him while opening the glass door of the department nang mapansin ko na bukas iyon.

Bakit bukas ang pinto?!

Hindi kaya..

Walang multo dito, pero impossible namang ganitong oras eh may tao na agad sa department ko?

"Calm down, Brie. Walang multo dito," bulong ko sa sarili ko bago tinulak dahan dahan ang nakaawang na pintuan. Wala pang ilaw na nakabukas pero nakaopen na ang blinds kaya kita ko mula dito ang pagsikat ng araw. I immediately walked towards my office only to notice na may ilaw sa pantry area. May tao nang pumasok nang ganito kaaga?

Hindi ko muna iyon pinansin at pumunta sa office para ilapag ang mga gamit ko. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba ang pantry para tignan, baka naman naiwan lang nilang bukas ang ilaw?

But the maintenance should double check those right?

I sighed to calm myself before walking towards the pantry. Dala dala ko ang bagel na binili ko sa isang coffee shop, I grabbed the knob and pushed the door in. Unti-unti akong sumilip para tignan kung may tao ba doon,

"My goodness! What are you doing here?" bakas sa boses ko ang pagkabigla nang humarap na ang lalaking nakatalikod at parang may tinitimpla doon. Nagkalat ang mga containers ng creamer, coffee, at sugar.

Nakahinga ako ng kaunti knowing na hindi ako minumulto dito, pero sino naman ito at ang aga pa para pumasok! I was about to ask the guy kung sino siya, probably Hunter or Patrick, nang humarap ito

Parehong nanlaki ang mga mata namin, "Z-Zeijan?" I whispered

I regained my composure at tuluyang pumasok doon, hindi inaalintana ang kaba na kanina lang ay mayroon ako. I don't know but I still find it awkward being with him at a closed space like this, but somehow, it felt familiar— relaxing too, as I may add.

Sana Ikaw Na [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon