Ethan's P.O.V
"Okay. Good morning Ma'am, good morning classmates! I am Dominic Coujangco, 17 years old. I can sing and dance. I like those people who are good inside and out, and I hate those individuals who are judging someone just based on its looks. Thank you!" Pagpapakilala ni Dominic sa malamig na tinig.
Suplado talaga ang dating niya sa karamihan, normal lang naman siguro iyon dahil gwapo naman siya.
"Psh. Pogi nga suplado naman!" Bulong ng babaeng patagong nagli-lipstick sa second row dito banda sa gawi namin.
"Okay thank you! Next." Ani Ma'am sabay tingin sa'kin.
Nanlamig na ang mga kamay ko, nerbyusin kasi ako sa mga ganito lalo't hindi pa ako komportable sa kanila. Nagmadali akong pumunta sa harap, pinipilit kong labanan ang panginginig ng tuhod ko. Napatingin naman ako kay Dominic na nag-thumbs up pa.
"Good morning everyone... M-my name is Ethan Ocampo. Se-seventeen years old..." Hindi pa ako natatapos ay may nagbubulungan na.
"Hay nako, gigil talaga ako sa kaniya." Bulong ng isang babae sa second row na kanina ay pagtagong nagli-lipstick na para bang may nagawa akong hindi maganda.
Hinayaan ko na lang at nagpatuloy na lang ako nang matapos na.
"I can s-sing and I can play piano basically. I l-like those people who can a-accept me and treat me as a real f-friend no matter what I am." Pautal-utal kong salita pagkatapos ay nag-bow ako at mabilis na bumalik sa aking upuan.
"Medyo nine-nerbyos ka, Ethan. Hindi ka lang siguro komportable pa sa mga kaklase mo." Pagpuna ng aming guro sa introduction ko.
Totoo naman ang tinuran niya, at bukod pa roon ay nakapanliliit ang mga naririnig ko mula sa mga kaklase kong feeling mga commentators.
"Sus! Ang arte, di naman bagay sa kaniya mag-English." Wika ni Make-up Girl.
Ang salbahe naman, hindi ba p'wedeng hindi pa lang komportable sa mga mukha nila?
"Class quiet! Next please." Pagsaway ng teacher ko para matigil ang bulungan.
Nagpatuloy ang introduction. Iyong mga commentators kanina ay mas masahol pa pala sa'kin kung magsalita sa harap, 'di makatayo ng tuwid at mukhang naubusan pa ng English words, ang iba naman ay maaayos magpakilala with matching eye contact pa sa amin. Nang dumako na sa pinakahuling magpapakilala ay kapansin-pansin ang hitsura ng kaklase kong babae sa first row doon sa may pintuan, sa pagkakatanda ko'y tahimik lang ito simula kanina at ngayon lang ito pumasok. Nang mapunta na siya sa harap ay ngumiti ito na animo'y isang inosenteng bata na 'di makabasag pinggan. May pagkasingkit, fair ang complexion, ang buhok ay mukhang bagong re-bond, katamtaman lang ang taas na parang may lahing Koreana o Hapon. Tatlo na silang mapuputi rito --- si Dominic, si Ma'am Kate, at siya.
"Annyeonghaseyo! I am Trixie Ann Kim, half Korean and half Filipino. My talent is singing and dancing especially K-Pop songs..."
Tama ako, may lahing Koreana nga siya. Kataka-taka nga lang dahil biglang nawala ang ngiti nito at nagmukhang mataray na habang nagpapatuloy sa pagpapakilala
"Ang ayoko sa lahat ay 'yung mga plastik, I'd rather be alone. I also hate those people na panay bigay ng side comments kahit hindi naman hinihingi ang mga mababantot nilang opinyon! Remember, EMPTY MINDS MAKE THE MOST NOISE. Mas gugustuhin ko pa sigurong kausapin 'yung mga mukhang tuod na tiyak kong malaman ang utak. That's all, kamsahamnida!" Nag-bow ito sabay pitik ng kaniyang buhok na animo'y may kaaway habang lumalakad pabalik sa kaniyang upuan.
Natahimik naman ang mga nagbubulungan kanina, wari'y sila ang pinapasaringan ni Trixie dahil papapalit-palit ang pagsulyap nito kay Make-up Girl, sa malditang katabi ni Make-up Girl, pati na rin dito sa babaeng nasa second row na patago pang nag-lipstick kanina. Maging ako ay nagulat, akala ko ay hindi niya kayang magsalita sa wikang Filipino ngunit sa tono ng pananalita niya kanina ay mahahalata mong bihasa na siya rito. Paniguradong marami ang mai-intimidate na lapitan siya. Isa lang ang masasabi ko --- this is a warm introduction.
BINABASA MO ANG
Behind His Camera
Teen FictionSi Ethan Ocampo ay sikat sa social media pero sa kabila ng pagiging sikat niya, ano kaya ang mga kwentong nakatago sa likod ng kaniyang camera?