5. Getting Comfortable

25 0 0
                                    

Ethan's P.O.V

Makalipas ang ilang buwan ay medyo komportable na ako sa aking mga kaklase, karamihan sa kanila ay kinikibo na ako at kahit papaano ay nirerespeto ako, ang tatlong bibe naman ay hindi na ganoon kainit ang dugo sa'kin lalo na't I'm being nice with them. Nakatulong ang pagiging Top 1 ko noong First Quarter, 'di ko akalaing maaabot ko iyon at siyempre ay mas lalo akong nagpapasalamat dahil pati sina Dominic at Trixie ay pasok sa Top 5 --- Top 3 si Dominic at Top 4 naman si Trixie. Nawa ay ma-maintain ko ang naabot ko at ganoon din sa kanila. Ang ilang mga propesor namin ay memoryado na ang pangalan ko kahit si Mrs. Zaragoza. Kaya naman ngayon ay mas nagkaroon ako ng kumpiyansa, kapag nagre-report ako ay naibabahagi ko ng maayos ang topic nang walang halong kaba.

"Uy Ethan, galing mo mag-report kanina ah? As usual laging himay na himay lahat ng mga details!" Bati sa'kin ni Jerome nang makasalubong ako sa cafeteria.

Si Jerome ang Top 2 namin noong 1st Quarter. Isa ito sa lagi kong kasama sa mga quiz bee o battle of the brain. Ngunit mas madalas pa rin siyang napipili kumpara sa'kin at sa mga estudyante mula sa section namin na pasok sa Top 10. Kung tutuusin ay maliit na puntos lang ang lamang ko sa kaniya kung kaya't ako ang Top 1 noong 1st Quarter.

"Salamat kung nakikita mo ang ganoong kakayahan ko." Ika ko naman.

"Naman! 'Di ka nagpapahuli eh. Palaban! Pawer! Sige, mauna na ako ah." Ika naman niya. Kinawayan ko naman ito bilang pagpapaalam.

Mag-isa ako ngayon dito sa cafeteria, absent si Dominic at si Trixie naman ay um-attend sa meeting ng Dance Club. Dapat sana ay kasama namin siya ni Dominic sa Glee Club pero mas pinili niyang sumali sa Dance Club dahil baka raw walang makaintindi sa mga kakantahin niya kung sakali mang pakantahin siya ng Club Adviser lalo na't nakita niyang ma-edad na sa hitsura ang Club Adviser ng Glee Club at mukhang hindi sasakyan ang K-pop, mas mabuti na raw na sa Dance Club siya sumali. Paniguradong magiging patok daw siya dahil magaganda ang sayaw ng K-pop.

"Oy, Ethan. Galing mo kanina ah, ikaw yata ang may pinakamataas na score sa reporting eh." Pabebeng bati ni Melanie.

"Oo nga, pareho sila ni Nerdy Boy Jerome. Wala nga lang siyang salamin." Sabat pa ni Ellie.

"Salamat! Kayo rin naman, you did well kanina." Tanging nasabi ko na lang sabay ngiti.

Minsan 'di ko mabatid kung sila ba ay nang-ookray o compliment ang mga sinasabi. Palagi kasi silang pabebe o maarte kung magsalita, Spice Girls nga kung tawagin.

At dahil mag-isa lang ako ngayon ay madali kong tinapos ang pagkain ko pero biglang may naki-table na prof kaya naman hindi ako agad umalis sa hapag-kaninan.

"Good morning, Ethan! Tapos ka na?" Bati ni Sir Timothy.

"Good morning din po sir. Opo sir." Bati ko rin.

"Dito ka muna, ako naman ang next subject niyo eh." Pakiusap niya.

"Ah, sige po sir." Pagpayag ko.

Kagaya ng nakararaming guro, tinanong niya kung kumusta ang pag-aaral ko. Napag-usapan din namin ang mga kaklase kong hanggang ngayon ay magugulo pa rin.

"Alam mo Ethan, mas mabuting magpakatotoo. Wag mong pansinin ang mga side comments ng nakapaligid sa'yo." Ika niya na ikinabigla ko.

Tahimik kaming umaakyat sa hagdan then out of the blue biglang ganiyan ang lalabas sa bibig niya. Anong connect? Hahaha!

"Opo sir." Pagsang-ayon ko na lang.

Pagktapos ng klase ay naisipan namin ni Trixie na daanan si Dominic para alamin kung bakit absent ito. Pagkarating namin sa bahay nila ay mama niya ang sumalubong sa'min.

Behind His CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon