May kaingayan sa loob ng amphitheatre bunga ng hiyawan ng mga estudyanteng nanonood. Sa ngayon ay nakahilera kaming mga awardee sa stage. Sa tingin ko ang mga kasabay namin ay mga dating contestant sa Mr. & Ms. Campus dahil talaga namang mga artistahin ang iba sa kanila, si Akihiro naman sa pagkakaalam ko ay tinatawag nilang "Selfie Prince" dahil daw sa talagang napaka photogenic nito sa kahit anong picture niya, kahit anong anggulo. Di ko pa nasusubukang hanapin ang account niya sa FB o IG, kaya hindi ko pa nakikita ang mga sinasabi nilang pagka-photogenic nito.
Bukod kay Akihiro, kapansin-pansin lalo si Kavin Dela Torre, ito raw ang nanalong Mr. Campus 2017. Talagang gwapo nga ito, maputi, matangkad na nasa 5'8" ang height, matangos ang ilong, makinis ang mukha, at maganda ang tindig ng katawan. Para siyang college guy na napunta sa senior high, siya yata ang pinakagwapo sa lahat ng lalaking nakatayo rito sa stage.
"So let's start our awarding. And now please welcome Akihiro Miyamoto, the 10th Most Popular Student. Please give him a round of applause." Ika ng emcee, palakpakan ang audience at nagsigawan naman ang mga supporters niya.
"So curious lang kami, Akihiro. Isa sa mga dahilan kung bakit ka nakilala is yung pagiging photogenic mo. Balita namin ay sikat ka raw sa social media, marami ka raw followers?" Tanong ng emcee pagkaabot ng certificate.
"Sa ngayon po ay may hundred thousand followers po ako." Sagot naman ni Akihiro.
"Sa pagiging photogenic mo naman, may inspiration kaba riyan? May ina-idolize ka ba?" Usisa ng emcee.
"Ah, opo. Mayroon po. Actually isa po siyang net idol, sa Instagram ko po siya nakita, si Ethan Ox. Lodi ko po 'yon." Sagot ulit ni Akihiro.
"Lodi ko rin iyon! Ang gwapo rin ho noon." Sabat naman ni Kavin.
"Really? Lodi niyo iyon? Kilala ko rin iyon actually! Crush ko nga iyon eh." Ika naman ng emcee.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nila, maging ang ilan sa mga audience ay nagbulungan. Malamang ay kilala rin nila ako, bilang isang net idol. Di ko akalaing ang mga sikat sa school ay mga followers ko rin. Kinabahan naman ako dahil dito, ayaw kong usisain ako ng emcee mamaya kapag tinawag na ang pangalan ko.
Matapos ang pagtawag sa ilang awardees, heto na't ako na ang susunod. 'Wag sanang mangyari ang iniisip ko.
"And next is Ethan Ocampo. The 7th Popular Student." Pagtawag ng emcee.
Palakpakan ang mga audience, sumipol pa si Dominic dito sa stage. At kung minsa'y mapaglaro talaga ang pagkakataon, heto at nagsimula nang magtaka ang emcee.
"Wait, you look familiar... Ah, kamukha mo si Ethan Ox! Ikaw yata siya eh." Ika ng emcee.
Lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi niya, narinig ko ang bulungan nina Kavin at Akihiro. Maging sila raw ay napansin ang pagkakahawig ko kay Ethan Ox.
"Ah, hindi po. Wala naman po akong Instagram." Pagtanggi ko.
"Pero imposible namang coincidence lang ang pagkakahawig niyo at pati ang pagkakapareho ng name niyo?" Pagpipilit ng emcee.
Sa ngayon ay nagbulungan na rin ang mga audience, nakakahiya. Parang gusto ko tuloy maglaho na parang bula.
"Ganito na lang, kung ikaw kunwari si Ethan Ox. Anong masasabi mo sa mga followers mo, 'yung mga itinuturing kang lodi?" Pag-iiba ng emcee. Dito ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Ah. Uhm. Maraming salamat sa inyo, isa sa hinahangad ko ay ang magbigay ngiti sa mga tagahanga ko sa bawat pag-post ng mga picture kong puno ng effort at passion. 'Wag sana kayong magsawang suportahan ako, at sa mga ina-idolize ako..." Lumingon ako kina Kavin at Akihiro. "Just bring out the best of yourselves."
BINABASA MO ANG
Behind His Camera
JugendliteraturSi Ethan Ocampo ay sikat sa social media pero sa kabila ng pagiging sikat niya, ano kaya ang mga kwentong nakatago sa likod ng kaniyang camera?