Chapter 4

10 1 0
                                    


Number


Iginaya kami ng isang crew papasok sa loob. Tahimik lamang ako habang sumusunod sa kanilang dalawa. Mukhang nagpareserve pa talaga sya rito. Handang handa ha!

Tumaas ang kilay ko ng makita ang isang two seater table na mukhang aming pagkakainan.

"Bakit dalawa lang yung upuan?"

Nilingon nya ako.

"Tayong dalawa lang naman."

"Saan pala uupo ang kapatid ko at ang kaibigan mo?"

Kumunot ang kanyang noo at bahagyang nilingon ang crew na nanahimik sa tabi bago ako muling balingan.

"I only asked you out. We don't need them here."

Hindi ko alam na kaming dalawa lamang pala ang kakain ngayon. I thought he also invited his friend that's why I told Alen about this.

"I already told my brother about this." Nagkatinginan kami.

"Do you want a new table, Maam? Maaari ko po kayong ilipat sa ibang lamesa." Singit ng crew.

Nginitian ko ang babae.

"Yes please..."

"This way po, Maam, Sir..."

Sandali kong nilingon si Levin pagkatapos ay sumunod na sa babae. Nang marating namin ang lamesa ay agad kong nilapag ang aking bag sa malapit na upuan at umupo na.

Nag angat ako ng tingin sa kanya ng mapansin kong hindi pa sya umuupo. Bumuntong hininga sya bago hilahin ang upuan.

"I guess I have no choice..." Aniya bago tuluyang maupo.

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Aapila sana ako sa kanyang naging reaksyon ngunit inilahad na ng waiter ang menu.

Habang namimili ng pagkain ay nag salita ako...

"You know, you should've asked me out properly if you want us to go out together." Biro ko.

Yumuko sya at bahagyang ngumiti. Tinagilid ko ang aking ulo at pinagmasdan siya. He really looks good. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga facial features niya.

Tumikhim ako at nilingon ang waiter, "I'd like some tuna nicoise and an orange--"

"Let's go out next time... just you... and me."

Mula sa menu ay nag angat ako ng tingin sa kaniya. I was only kidding! Hindi ko ineexpect na seseryosohin niya iyon.

"That was only a joke..."

"Seryoso ako." Confident naman na sagot niya.

Humalukipkip ako at tinitigan siya. His expression screams seriousness ngunit iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Mixture of humor and playfulness are playing on his eyes. He's good at this huh. Ilang babae na kaya ang nagamitan niya ng linyang iyon?

I put down the menu and looked at him directly in the eye not minding the waiter watching us.

He looks very intimidating from this view. His aura demands attention and his whole being screams perfection. Maganda ang lighting dito sa loob kaya mas lalong na klaro ang mga features niya. His handsome, very very handsome, I admit it.

Halos sampalin ko ang aking sarili sa nga papuring ibinibigay ko sa kanya.

But that's not enough to attract me. I grew up seeing lots of better looking guys around me. Im used to it that they doesn't affect me anymore.

Mr AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon