Chapter 6

10 2 0
                                    


Ride


"They're already at the airport. Mom just texted..."

"Tell them to wait a little bit longer. Heavy traffic, may banggaan daw sa may crossing." Sagot ni Macoy.

Humikab ako at siniko si Alen sa aking tabi.

"Text them!" Utos ko.

"Im reviewing! Can't you see?" Angal nya sa akin.

Napangiwi ako sa makapal na libro na kanyang binabasa. I feel sorry for him. Kaya inilabas ko na lamang ang aking cellphone at nag tipa na ng mensahe.

We're currently on our way to fetch Mom and Dad. After being abroad for two weeks ay uuwi na rin sila sa wakas.

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Masyado akong naging tutok sa mga paper works kaya hindi ko na naramdamang lumipas iyon.

Alas nwebe ng umaga ng makarating kami sa airport.

"You gain some weight, Honey." Puna Mommy sa akin pagkatapos ay piniga ako ng yakap.

"Thanks! Ikaw din..." ismid ko.

She laughed.

"Im just kidding. I miss you..."

I pouted at bumaling naman kay Daddy na pinapanood kami.

"Dad!"

Niyakap ko sya ng mahigpit at nanatili sa kanyang tabi, yakap-yakap ang kanyang braso habang tinatahak namin ang papuntang parking. Si Mommy naman ay nakahawak rin sa braso ni Alen.

"I drove for two freaking hours, Tita! You better have a nice pasalubong for me."

"Is chocolates fine, Marcus?" Natatawang tanong ni Daddy.

"Ikaw na mag drive pabalik sa atin. Is that fine, Ariel?" Balik na tanong naman ni Macoy kay Daddy na nagpatawa sa aming lahat.

Pagdating namin sa bahay ay sumalampak kaagad ako sa sofa.

"Oh God my neck..." bulong ko habang hinihilot ang aking leeg.

Matagal kaming na stuck sa traffic dahilan para mangalay ako kakaupo.

May inilapag na isang malaking bag ang aming kasambahay sa gilid ng sofa na agad namang pinagkaguluhan ni Alen at Macoy. Sa tingin ko'y mga pasalubong ang naroon.

Hindi nga ako nagkamali ng may ilabas na kahon si Macoy at tuwang tuwa itong binuksan. Napahiyaw pa sya ng makita ang bagong labas na sapatos mula sa isang sikat na brand na gustong gusto nya.

"It's yours!"

May inihagis na parisukat na kahon si Alen sa akin na agad ko namang nasalo. Mukhang sapatos rin ang isang ito.

Napatango ako ng makita ko ang itim na may pulang running shoes. Agad na pumasok sa utak ko ang Gym.

I need to start hitting the Gym again. Bihira lamang ako mag Gym noon dahil sa aming training sa volleyball. Halos katumbas rin naman kasi ng mga routine ko sa Gym and mga Drills na ginagawa namin sa court.

Pero ngayong wala ng training ay sa tingin ko'y panahon na para magtungo akong muli roon. I need to maintain my body. Ayokong lumobo.

Kinagabihan noon ay nagtipon tipon kaming lahat sa lamesa upang sabay sabay na mag dinner.

"Do you hate Oggy, Tita Arisse?" Nilingon ko ang pamangkin na nasa aking tabi.

He's Kuya Anton and Ate Mildred's son. Apat na taon pa lamang siya pero sobrang kulit na!

Mr AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon