Maganda
"Matatapos nalang ang binigay na break sa atin di padin tayo nakakapag enjoy. Yung iba pauwi na galing sa trip to Japan nila tayo wala pang nasisimulan!" Pag angal ni Miel isang araw ng marealize nyang nalalapit na ang aming pagbabalik sa training.
"Saan naman kasi tayo? Hindi naman pwedeng out of town dahil sumasabay yung mga prof na magpa exam!"
Napatango tango ako at pinulot ang aking ballpen at pinag patuloy ang aking naudlot na ginagawang reviewer para sa isa ko pang subject. We will be having an exam on two of my major subjects tomorrow kaya I can't just chill here and trust my stock knowledge. I seriously need to review my notes.
"Mabuti pa nga itong si Paulene dahil nakapag Zambales na. Eh tayo?"
"Edi mag Zambales ka din, Jen. Di ka naman pinipilit ng prof mo na pumasok."
Humalakhak sila sa sinabi ni Miel habang ako ang napangisi lamang.
"You're really boring when you're studying, 'risse..."
"Studying is boring, Miel." Bored na ani Jen habang nilalantakan ang chips sa lamesa.
Paniguradong mararamdaman ko rin ang nararamdaman nila ngayon kung wala sila rito at nasa kanya kanya nilang klase. Im glad that they're here para samahan akong mag review. Atleast kahit sumasakit na ang ulo ko sa mga terms na binabasa ko ay natatawa parin ako dahil sa mga kalokohang lumalabas sa mga bibig nila.
"Trust your stock knowledge!"
"Oo sige para ma-stuck rin ako sa college." Sagot ko.
Natawa sila sa aking sinabi. Maging si Pau na tahimik na nagbabasa sa gilid ay napangiti rin.
"How about, let's go out tonight? Party!"
"Brilliant! Lif tayo later?"
"I'm out." Mabilis na sagot ni Pau.
"Come on, Pau. Uupo ka lang naman don at makikipag socialize. Bitiwan mo yang libro mo at buhayin mo naman ang night life mo."
"Ngayon lang naman eh. Diba 'risse? Sasama ka din diba?"
"Oo naman." Para din makawala naman ako kahit papaano sa mga school works na nakatambak sa akin. I can get this reviewer done now para bukas ay papasadahan ko na lamang ng basa.
Pinilit pa ng pinilit ni Miel at Jen si Pau na sumama mamaya hanggang sa sumuko na lamang si Pau at tumango. Napasigaw sa sobrang galak ang dalawa.
Minutes passed at naging matatag ako sa pagsusunog ng kilay. Si Miel ay naka yuko na sa lamesa habang si Jen naman ay nakatutok sa kaniyang cellphone at si Pau, as usual, she's still reading her book.
Bumuntong hininga ako at nag unat sabay nilibot ang paningin sa paligid. May iilang estudyante ring nag aaral sa mga bakanteng lamesa. This is a really nice place to study. Malamig ang hangin at tahimik sa paligid. Nasa may bandang likod ito ng ilang mga buildings at napapaligiran ng mga puno ngunit maraming magaaral parin ang pinipiling magtungo rito.
There are lots of benches around at kahit sa damuhan ay maaari kang pumwesto. This is one of my favorite spots here on Savio.
"Oh! The boys are coming..." ani Jen.
Agad na nag angat ng ulo si Miel para tanawin iyon. Nanatili parin akong nakayuko sa mga papel sa aking harapan.
"Minton!" She shouted happily at ikinaway ang kanyang magkabilang braso. "I told him that we're here..."
BINABASA MO ANG
Mr Almost
Teen FictionArisse Concine Gallego isn't your typical sweet type of girl. She likes black than pink and coffee than milk. Her world only revolve around her family, friends and volleyball. She know what she deserve that's why she never settle for anything less...