Goodnight
"This is too formal." bulong ko sabay hagis noon pabalik sa aking cabinet.
Sunod kong dinampot ang isang itim na tee dress. Itinapat ko iyon sa aking katawan pagkatapos ay humarap sa salamin.
"Too plain."
Bumuntong hininga ako at muling naghanap ng damit. Mahigit trenta minutos siguro ang ginugol ko sa loob ng aking closet kakahanap ng maayos na maisusuot.
In the end ay isang puting cami top at itim na shorts ang aking napili.
Ibinaba ko ang suklay sa tukador matapos kong ayusin ang aking buhok. Dinampot ko ang malinis na brush at dinikit iyon sa aking pisngi habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin.
Should I apply some makeup?
Dinilaan ko ang aking labi. Maybe a gloss will do. Besides, why am I preparing too much? It's just a simple dinner.
Bakit ko kailangan mag ayos ng sobra kung sa dining lang naman ang punta ko? Napairap ako. What's wrong with me?
Napalingon ako sa aking cellphone na nasa kama ng mag beep ito. Mabilis kong tinungo iyon at binasa ang text.
From: Levin
We're on our way. Please save my number. -Levin
Napangiti ako sa kanyang naging mensahe.
Tanghali pa lamang kanina ng itext nya ako para sabihing libre sila ngayong gabi para mapaunlakan ang imbitasyon ng aking ina.
I replied with, "Sino to?" Kahit na naka save na naman talaga ang kanyang numero sa akin.
I don't know. I just want him to know that I'm not really interested on his number.
Ilang sandali pa ang lumipas nang katukin ako ni Manang para sabihing pinapatawag ako ni Mommy sa baba. Hindi ko agad nasunod iyon dahil hindi ko na napigilan pa ang aking sarili sa pag lalagay ng makeup.
"Light lang naman." Bulong ko.
Sinuklay ko ang aking hanggang taas ng baywang na buhok. Nakuha ko kay Daddy ang kulay ng aking buhok kaya sa tuwing nasisinagan ng araw ay lumalabas ang pagka brown nito. Natural din ang pagiging kulot ng tips nito.
Lumapit ako sa salamin ang ngumuso. My almond eyes got enhanced by the mascara that I putted. Hindi na kailangan ng blush dahil natural na mapupula ang aking pisngi dahil sa aking balat. I am very fair which I hate sometimes dahil kapag naglalaro ako ng volleyball ay kitang kita ang mapupulang bakas dito. I pouted my heart shaped lips.
I got most of my features from my Mom. Tangos ng ilong at kulay lamang ng buhok ang sa tingin ko'y namana ko mula sa aking ama.
"Arisse, Mom's calling you..." this time ay si Alen na ang tumawag sa akin.
"Yeah I'm coming..."
Isang beses ko pang sinulyapan ang sarili ko bago tuluyang lumayo sa tukador. Sa pagbaba ko ay nakasalubong ko si Minton na paakyat naman ng hagdan.
"You're going out?" Sumulyap sya sa kanyang relo.
Tumigil ako at hinarap sya.
"Mukha ba?"
"Ayos na ayos ka eh..."
Nginiwian ko sya. Naka pambahay lang ako and it's just a small amount of makeup! Im not even wearing an eyeshadow paano naging ayos na ayos ito?

BINABASA MO ANG
Mr Almost
Teen FictionArisse Concine Gallego isn't your typical sweet type of girl. She likes black than pink and coffee than milk. Her world only revolve around her family, friends and volleyball. She know what she deserve that's why she never settle for anything less...