Prologue

26 2 0
                                    

May mga gabi lang talagang wala akong magawa sa bahay, tulog si Janella at wala pa si Kenchi. Isa na siguro ito doon.

Malamang lahat tayo naku-curious sa love story ng nanay at tatay natin. Kapag naging parent ka, hindi mawawala yung tanong galing sa anak mo na, "Mommy, pano mo nakilala si Daddy?" and vice versa.

At kahapon, yun nga ang tinanong ni Janella sa akin.

"Baby, hindi ko maikukwento sayo ang lahat sa isang araw. Kaya gusto kong basahin mo yun. Storybook, ganun."

Si Janella? 14 years old. The same age kung kelan nainlove ako sa isang epal na si Kenchi Morillo.

Si Kenchi Morillo? Ang first true love ko. Also, ang one and only at ang aking pinakamamahal na asawa.

Ako naman si Janice. Dating Reyes. At ito ang happy ending ko.

Half A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon