Chapter 5: Crush

4 1 0
                                    

Ito kami, nag-aabang sa gate. Paano ba naman, hinihintay namin si Gillian. Si Tristan kasi taga-dala nya ng bag eh.

"Alam mo, mahal ko na ata si Gillian." sabi ni Tristan sa akin.

"Grabe ka, may bago ka ng gusto eh kakabreak nyo lang ni Jenna!?"

"Eh... Ewan ko."

Hanggang sa dumating na yung donya at kinuha ni Tristan yung bag ni Gillian. Pinauna namin sya.

"Si Tristan," bulong ko.

"Anmeron kay Tris?"

"May... feelings para sayo."

"Akala mo lang yun."

"Hindi. May sinabi sya."

"Oo na lang, haha."

Nung pagkauwi ko, bigla na naman akong kinulit ni Tristan.

"Pst. Ano ba magandang surprise para kay Gillian bukas? Recommend naman o."

"Ah, eh. Kung si Gillian, mahilig sa perya yan. Eh dahil mahirap yun. Maganda yung parang pagpasok mo sa school may banner na I love you, mga ganun, nakakakilig yun."

"Haha. Thank you, pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga."

"May boyfriend ka na ba?"

Anong klaseng tanong to. Pero to be honest, weird. Wala pang nagtanong nito sa akin.

Edi, "Wala.."

"Sa ganda mong yan?"

"Puro aral ako e. Tsaka bata pa."

"Parte ng buhay yun."

"Eh ayoko e."

"Eh crush, ganun?"

"Meron naman, syempre."

"Kanino naman?"

"Basta."

Ewan ko. Over the past few days, naiinlove ako kay Kenchi. Pero hindi ko pa to matatawag na love, kasi nagagwapuhan lang naman ako sa kanya.

...

"Even the best fall down sometimes, even the wrong words seems to rhyme."

Si Kenchi naririnig ko nung papalapit na ko ng room. Kinakanta nya yun.

Maari nga bang kinakanta nya yun dahil sinabi ko sa kanya na favorite ko yun!?

"Jan, ako na magbubuhat ng bag mo." Alok ni Miguel. Weird. Hindi naman gentleman ang lalaking to.

Nandun si Drew sa pintuan. Binuksan nya to para sa akin at...

"CRUSH KITA JAN."

Naka-lagay sa whiteboard. Makapal yung marker.

Sa 2 weeks ko dito, anong meron? Bat may ganto!?

"Hi Jan," bati ni Gillian. Sa likod nya, si Tristan.

May dalang flowers.

"Para nga pala... sayo." Nahihiya sya. Ako din. Wala pang gumagawa nito sa akin eh.

Hanggang pumasok si Ma'am Rebbie.

"Anong kaguluhan ito!? Magsi-upo nga kayo!"

At doon natapos ang pangyayaring yun.

Half A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon