Chapter 3: Behind Our Backs

15 1 0
                                    

One month later...

Fast forward, wala namang nangyaring importante eh.

Naging sila ni Ciara at Kenchi. Sabi ko sa inyo papatol din yan e.

After 2 weeks, ayaw na ni Ciara. Sabi ko sa inyo!

Grabe ang lalandi nila. Grade 6 pa lang, yun agad. Ako nga hanggang crush lang...

Haaays.

At ang balita, naging sila rin ni Tricia ng 2 weeks.

Hanggang inayawan na sya ni Kenchi. Lalandiin nya tas sasaktan nya? Wtf!?

Ang sabi naman ni Kenchi, nanakit lang daw sya kasi sinaktan daw sya. So ganun pre, kelangan mandamay ng ibang tao? Dapat kasi sinalo mo katangahan mo!

Buhay.

Life.

Pta.

Basta. Ako, aral lang dito. Valedictorian eh. Bhelat. Ewan ko, salutatorian naman yung si Kench eh. Galing, nababalance nya yung pagpapakatanga at pagpapakatalino.

Tapos, naging sila ulit. Ni Tricia. Si Tricia naman uto-uto. Hay. Grabi.

Tas inayawan uli sya ni Kenchi...

Hanggang nakita ko si Kenchi sa SM, sa Starbucks, mag isa. Kasi naman, nagbabasa ako ng TFIOS.

Ganda na ng part eh, nasa Amsterdam na sila eh!! Nakita ko pa pes ng kupal na to.

Tapos nakita ko sya. PAJOLET-JOLET. Tumayo ako. Tinabihan ko sya.

"Hoy. Ang galing mo." pinandidilatan ko sya eh.

"Huh?" napatigil sya sa pagkain. Este umiinom pala.

"Yung ginawa mo sa kaibigan ko. Si Tricia."

"Kaibigan mo ba yun? Eh sinisiraan kayo sakin!? Hindi lang sakin!"

"Ha?"

"Oo. Sinasabi nun lagi puro ka daw aral. Tas si Pia daw, malandi. Si Gillian daw di na virgin. Si Miguel nagdadrugs."

"Kabog. Hindi gagawin ni Tricia yun."

"Tanong mo kay Kim!"

Si Kim yung best friend ni Tricia dati. Hindi na sila naguusap pero hindi rin naman sila magkagalit...

"Pero hindi pa rin tama yung ginawa mo sa kanya."

"Bakit? Eh hindi maganda ugali nya."

"Eh yang ex mong si Ciara!? Maganda ba ugali nun!?"

Speechless sya. Hanggang tumayo na ko sa pwesto ko at umalis.

Umuwi ako sa bahay at nagmamadaling maka-connect sa wi-fi.

Naka-save ang password ni Tricia sa iPad ko.

...

Messages. Kim Gallardo.

January 14, 2014...

"Ginagamit ko lang sila. Magaling sila eh."

"Nako hindi naman ako magiging ganun. Landi landi nun eh."

"Nako wala yun. Pangit nun. Pano, walang ginawa kung hindi mag-aral. 0% mukha, 0% ugali."

"Hingi ka drugs kay Miguel. Drug dealer yun. Obvious naman."

"Ilang lalaki na nakapasok dun! May HIV ata yun."

Tinawagan ko agad si Pia.

"Pia. Buksan mo ang FB mo. May mga ipapakita akong screenshot..."

"Sigeeee!"

Sinend ko lahat. Lahat.

"Hindi si Tricia to..." sabi nya.

"Masakit man. Si Tricia nga yan."

Sobrang sakit.

Sobra.

Akala namin kaibigan namin sya.

Half A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon