Chapter 2: Big Changes

16 1 0
                                    

Ito nandito ako ngayon sa parlor kasama si Pia at Tricia. Brr. Lamig.

"Pia, look at the transformation!" sabi ni tita/to Gina/no (bading!) Nakita namin si Tricia.

Rebond + pakulay + bawas eyebrows.

At mas maganda pa sya sa muse.

At may galit ako sa letse naming muse na hindi naman deserving maging muse kasi kamukha nya lang naman si Deniece Kuneho.

Woooow. TRICIA GONZALES IKAW BA ANG KAHARAP KO NGAYON!!?

Napa-wow talaga ako. Naging mala-tibo. Kain-love sya e!

Binigyan sya ni tita Gina ng shampoo for her hair, mga homemade na lip gloss, echebureche. Nga pala. Tatay ni Pia si Tita Gina. XD Complicated pero WAHAHA. Wag na i-share.

Swerte ni Tricia. Nilibre kasi ni Pia dun sa salon ng daddy/mommy nya. Best friend kasi sila ni Pia ngayon e. Eh ako? Ang magandang julalay.

(...) Pak. Si Gillian din pala. Haha!

"O ayan, mas gumanda ka na!" sabi ni Pia sa kanya.

Hinug na naman kami ni Tricia. Haaays. Mas close nga sila ngayon e. Haha ge. -.- JEALOUS BESTFRIEND HERE.

"Eh hindi naman to sapat para magustuhan nya ko."

"Ano pa ba kailangan? Puputulin pa ba natin hair mo? Kukulot? Ano?"

"Bakit si Ciara? Maganda sya, eh maganda rin naman si Hannah, si Lisa… sa totoo nga mas maganda ka dun e!"

"Maganda sila. Pero ngayon mas maganda ka. Mabait ba yung mga yun? Never. Ikaw? Yes yes. Matalino ba yun? Hindi rin. Ikaw? Top 3!?"

"Basta. Parang useless to."

"Basta ano? Basta ka rin. Masyado mong binababa sarili mo e!" :(

Umuwi sya sa bahay at narinig ko yung nahulog na plato. Ang kwento nya sakin, nabagsak daw ng mommy nya to nung nakita sya.

Kinabukasan ay Monday. Bawal syang maligo haha, kasi nga rebonded diba!?

Dahil sabay sabay kaming pumapasok ngayon, nakita ko reaksyon ng mga nakakakita kay Tricia.

Lahat sila, nagulat. Gandang di mo inexpect. ASAN KAYO!?

Sabi na eh. Haha, go Tricia! Support.

Dumaan ang mean girls. "Haha, the power of make-up." Eh wala namang make-up. Masama na, engot pa. Haha!

"Nako yung iba dyan pwedeng i-eat all you can yung make-up para gumanda naman ugali!" sabi ko. Pta eh.

Nakita ko si Kenchi sa pintuan ng room nila, nakaupo. "Hi Tricia." sabi nya. Tumigil si Tricia. Speechless. Hanggang… "Ha--h-hi. Kenchi…" Mygad Tricia.

"Yie." bulong ko. "Yie. Awuwuwiiie."

Aaminin ko na nga. Gwapo si Kenchi. Kung hindi lang sya naging kalaban ko sa honors! Crush ko na sya!

"Ano ba Jan,"inis inis buset effect, pero yung ngiti nya, hanggang langit. Kileg etits ka lang eh. Haha!

Sorry for le word! Haha. Humor.

School, echebucheche. Lesson, recess, lesson, lunch, lesson, break, lesson, tambay.

Nung uwian, sa service, "Uy may kukwento ako!" Sabi ni Ciara kay Faith, ang kanyang pinakamamahal na bestfriend na kaservice ko.

Dati nung first day kaclose ko tas nilayuan ko kasi peymus pala sya! Haha! Ayaw ko dumiket sa peymus. Tagabitbit ang dating! Hahajuk!

"Ano yuuun?" sagot ni Faith.

Nag-aaral ako sa bus (hindi pa kami naalis eh) pero nung narinig ko yung boses ng hinayupak na yon, tumigil ako at nakinig sa kanila.

"Si Kenchi. Tumigil na sya sa pangungulit simula kanina."

"Ayaw mo nun?"

"Ewan ko. Nakakapanibago."

Landi mo. Takti kung ayaw mo sabihin mo na lang kasi dibaaa. Pakipot ka, papapahirapan mo pa, papatol din naman? Tas wala na agad sila. Repeat cycle. Boom.

"Si Tricia…"

"Bagong rebond lang lumaki na ulo."

Sige lang Faith. Subukan mo ko. Di mo ata kilala katabi mo.

"Oo nga eh. Pta. Ganda nya ah." Sarcastic.

At nakita ko si Tricia, naggigitara kasama sila Miguel. At lumapit si Kenchi sa kanya. Umupo sa tabi nya.

OMG YOU GO GIRL! <3

Nakita ko na nakatingin rin si Ciara doon sa field. Kay Kenchi. And wtf, pupunta sya don.

Bwisit na babaeng to.

Nakita ko na lang na kausap ni Ciara si Kenchi, tas tumayo si Kenchi. Haaays.

Pagkauwi ko, tumawag si Tricia sa akin.

"Ja-an." Naiyak sya. Grabe. Ganito ang epekto ni Kenchi kay Tricia.

"Anong nangyari kanina!?"

"Si Ciara… pumunta sa field, katabi ko na si Kenchi noon, nagkakamustahan kami. Ang ganda ko daw… Tas sabi ni Ciara… 'Kenchi gusto ko ihatid mo ko sa bahay kung mahal mo ko.' At… biglang tumayo si Kenchi…"

Iyak lang sya ng iyak. Nakinig ako, kinomfort ko sya.

Tapos, sa Facebook…

Kenchi Santos Morillo:

Si Ciara lamang ang mahal ko. <3

Taena mo, Kenchi.

Hindi ko na sinabi kay Tricia to.

Hanggang inaantok na raw sya. At yun, binaba na yung phone.

Kinabukasan, nalate ako. Kasi nung kagabi napuyat ako kakaaral. Hindi ako maka-focus. Iniisip ko, bakit mahal na mahal ni Tricia si Kenchi.

Pero nakita ko si Kenchi at Tricia na nag-uusap. Nung natapos sila, tinanong ko si Tricia kung san tungkol yun.

"Uhm, nagsosorry sya sa akin tungkol sa nangyari kahapon."

"Anong sinagot mo?"

"Wala…"

"Bakit wala!?"

"Dumating si Ciara. Sabi nya, 'Diba sinabi ko wag makikipag-usap dyan!?'"

"Insekyora sya, haha!"

"Haay, Jan."

"Two months na lang, Trisha. Di mo na makikita yang mga lintek na yan."

"Eh lilipat din ako…"

"Huh!?"

"Oo… Basta." Nag walk out, pumuntang CR.

Two days later, nalaman ko na lang na nag-away si Ciara at Kenchi. Dahil kay Tricia. Pero si Kenchi, tanga pa din… At nilayuan nya lalo si Tricia.

Grabe sila umibig. Pinagpipilitan nila ang bawat isa sa taong obvious namang ayaw sa kanila.

Half A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon