Chapter 6: Friendzone

2 0 0
                                    

"So..." sabi ni Tristan. Tahimik kasi. Sinira nya.

"So ano?"

"Wala, nevermind." Pero alam kong meron syang gustong itanong or sabihin or anything. Ilabas mo, Tris.

"Thank you. Kanina."

"Wala yun, para sa pinakamagandang babaeng kilala ko."

"Haha. Akala ko ba... si Gillian?"

"Tintulungan ako ni Gillian at Pia. Pero syempre, di mo alam yun."

"Galing nyo magtago."

Tumayo ako kasi nakita ko yung sundo ko. Nakita nya rin.

"Uh, thank you ulit."

Pero hinila nya yung kamay ko.

"Maghihintay ako a." sabi nya.

Tumango na lang ako dahil wala akong maisagot dun. Kala ko, endangered na ang mga gantong lalaki.

Pero wala pa rin e. Ganon pa din, kaibigan lang tingin ko sa kanya.

Kasi tuwing nakikita ko─

"Maxine!" tawag ng isang familliar na boses.

"Ah. Bakit?"

:) :) :) :) :D :D :D :D

"Uh, paano ba tong... sa sets? Di ako nakinig kay sir kanina."

Inexplain ko. Madali lang yun jusko, yung mga unite intersect sht.

"Haha. Thank you Valedictorian."

"No problem Ciara."

"Sana Ciara..."

"O, buti naman. Haha."

"Ano sabi mooo?"

"Ah? Haha. Wala. Wag mo na isipin yun."

"Teka. Yung tungkol pa din ba sa KAIBIGAN mo?"

"Hindi yun. Basta."

"Aw haha. Balita ko kayo ni Peregrino."

"Ah? Balita ko liligawan mo si Pia."

"Di ah. Yung Queenie. Pero kayo nga ni Dan?"

By the way, kaservice at kapitbahay nya dati si Peregrino. WALA KAMING KAHIT ANO. Ninang ko ang nanay nya.

"ALAM MO WALA KANG TASTE KAHIT KAILAN! Tsaka wag mo na pakielaman yun!"

"Haha, sure ka? Pano kung sinabi kong gusto kita? Edi, yun, dun mo ko tawaging walang taste."

"Hard mo wow. Pagkatapos kita tulungan dyan sa math mo."

"Oo na thank you na lang!" tapos umalis sya.

Napangiti na lang ako. Yung mejo enervon na ngiti. 'U' Ganyan ba? Haha!

"Aw si Kench ba?" tanong ni Tristan.

"Ah... Hindi ah!" deny ko. Todo. Pero very confusing feelings! Grabe, di ko alam. Kench? Kench?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon