Chapter 6

195 6 1
                                    

-Andrew-

Hinahabol nila ako. Kanina pa ko takbo ng takbo at akala ko titigil rin sila pero paglingon ko sa likod, nandun parin sila.

Nakakita ako ng 7/11 na store and I thought I’d be safe pag nakapasok ako pero bigla nila ‘kong naabutan. It was too late.

 Kailangan kong panagutan ang pagkakamali ko.

Bakit ba ako tumatakbo?

Bakit ako natatakot?

…kung yung pagkakamali ko ay naging daan para mapabuti ako?

And so I felt pain. Everywhere. Sa mukha, sa tiyan, sa binti; sa lahat ng parte ng katawan kong hindi nila pinalampas. Sinubukan kong lumaban, pero ano naman ang laban ko sa mga ‘to? Dumating sa puntong hindi ko na magalaw ang buong katawan ko, so I was left there laying static on the ground. Helpless and pitiful.

Hanggang sa may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Andrew!”

The next thing I knew pagmulat ng mga mata ko, eh, nasa ibang bahay na ‘ko. Lumipas na yung sakit pero biglang kumirot nung tumayo ako sa pagkahiga ko at umupo ng deretso.

Pumikit pikit ako para makaadjust yung mata ko sa madilim na sala. Nung okay na, bumulagta sakin ang mukha ng isang babaeng hindi ko inaakalang makikita ko sa mga panahong ‘yon.

Si Hailey?

“Ang yabang yabang mo kasi. Akala mo siguro, ang galing galing mo. Ayan napapala ng mga muryot eh.”

“Hoy narinig ko yun ah!” ang sabi ko at bigla syang nagulat.

“Oh, gising ka na pala.”

Ginagamot nya yung sugat ko sa may labi. “Ahh… masakit..”

“Eeehh magtiis ka.”

Concerned ba ‘tong taong ‘to o wala lang talagang mapagtripan?

“Teka, pano ko napunta dito?”

“Nakita kita habang nasa may 7/11 ako. I saw those thugs and what they did to you… and I could’ve helped you right away kaso pinangunahan ako ng takot. Kaya pinuntahan ka namin nung nakaalis na sila and we took you here. It’s my house. You needed some help.”

“Namin?”

“Yeah, si Ethan.” Si Ethan? huh. So he still got my mom’s phone number.

Bigla akong napatahimik kaya tumuloy sya. “Tinawagan na nya mom mo. It’s funny how he knows your mom though. Magkaibigan ba kayo?”

“No personal questions.”

“Okay… you’re welcome by the way.” sabay nyang diniinan yung cotton sa sugat ko.

“ahh.. araaayy.”

“Oops, sorry.”

“Salamat.”

Agad-agad naman syang ngumiti na parang kanina pa nya gusting marinig yung mga salitang yon. “Pero sana hinayaan nyo na lang ako. I can manage myself.”

“You can MANAGE yourself!? Hanggang ngayon parin ba magmamayabang ka parin? You should’ve seen yourself, you were helpless.”

“I didn’t ask for your help.”

“Magpasalamat ka nalang at tinulungan pa kita.”

“Ayan na nga eh, nag-thank you na.”

“Huwaw. Napaka-sincere ha? You’re welcome.”

“Bakit mo pa kasi kinailangan akong tulungan?”

“DAHIL KAHIT NA GAGO KA NA SIRA ULO NA DOUCHEBAG NA MAYABANG, AKO, MAY PUSO. And that’s one thing you don’t have.”

We were practically shouting in her house.

Oo, wala akong puso. Pero hindi ko na kailangan pang i-explain kung bakit. Ang punto ko, hindi na dapat nya ko tinnulungan dahil kung nadamay pa sya, edi ako masisisi diba? Ako ngayon yung magi-guilty. Ako yung mananagot.

Hindi ko na magawang masagot yung sinabi nya dahil totoo naman eh.

That’s how people see me.

And dare I say it, but that’s the guy I am.

Matagal nang sira yung reputasyon ko sa school, at sa mga tao, and nothing will ever change just ‘cause some girl helped me.

I didn’t need that help.

It’s not like I was gonna die.

Biglang may katok sa pinto.

Binuksan ito ni Hailey, at pagtingin ko, it was my mom.

And when I saw her face, its as if lahat ng emotion na sakanya na. Galit na malungkot sa naaawa na masaya dahil buhay ako. But that’s the thing about her. All she can do is stare at me as if I was the stupidest and worst son ever, pero hindi nya ko kayang palayasin. Di nya ko kayang i-ground. Di nya ko kayang saktan.

And I’m sorry dahil wala akong magagawa.

“Salamat sa tulong, iha.”

“Wala pong anuman.”

“Salamat talaga. Kung hindi dahil sayo, baka napano na sya.” Haay ma, eto na nga eh. Napano na nga ako. Hindi ka pa ba sanay? “Andrew, let’s go.”

Syempre, ako naman ‘tong sunud-sunuran dahil kakagawa ko nanaman ng kasalanan.

Pinagmasdan ako ni Hailey na nakataas ang isang kilay habang lumalabas ng pinto. “Ingat po!” sabi nya kay mama.

“Salamat ulit. Sorry sa abala.”

Ano ba ang kwento ng buhay ko?

Wala na ‘kong tatay. Naghiwalay na sila ni mama matagal na panahon na. Paminsan-minsan ko lang sya nakikita sa bar, nakikipaglandian sa mga babaeng naka panty shorts at labas na labas yung dalawang bundok.

Ikinahihiya ako ng nanay ko dahil isa akong walang kwentang anak na wala nang ginawa kundi makipagbugbugan sa kung sinu-sino sa isang dahilang hindi ko masabi sakanya.

One word to describe my life?

Miserable.

Nakakalungkot. Sobra. Katulad ng bato kong puso.

Pero bakit sa puntong ‘to ng masalimuot na buhay ko, bakit hindi pa ko nagpapakamatay?

Isang sagot.

Pag-asa.

Pag-asang pinanghahawakan kong maaari pang makapagpabago sa takbo ng buhay ko.

Hindi naman masamang umasa diba?

Hindi masamang isipin na may pot of gold sa dulo ng rainbow. Cliché pero kung ikaw ang nasa posisyon ko, tatatak talaga sayo yung kasabihang habang may buhay, may pag-asa. Dahil mukha man akong gago na siraulo na douchebag na mayabang, may puso rin ako.

Di lang halata.

Kasi sirang sira na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream CatchersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon