Chapter 2

259 13 4
                                    

“Nasan ka na, Hailey?” alalang-alalang tanong ni mama over the phone.

“Still here.”

“Look, I can’t send the driver to fetch you. He went home for an emergency. Pano ka uuwi nyan?”

“Ma, relax. I’ll figure it out, somehow. Mag-cocommute nalang siguro ako.”

“Commute?!” muntik na syang sumigaw. “Pano kung maaksidente ka, ha?! Ako nalang susundo sayo.”

“What? No.” 'Mom’s pretty aggressive right now. Baka mapano pa sya. “No, I’m fine. Kaya ko ‘to ma. Just chill. I’ll be home before 8.” And then I hung up bago pa sya makasagot.

Nakatingin sakin si Ethan na parang naaawa na ewan. Naka-fake pout sya. “I can drive you home, I guess. After all, I’m supposed to look out for you naman eh.”

There was it again. Hindi ako naniniwala. Kahit ilang beses pa nyang ulit-ulitin. Bakit naman aatasan ni papa na alagaan at bantayan ako ng isang taong kakakilala ko lang ngayon-ngayon lang. Ethan Gallardo, you are such a weird dude. But it left me no choice. Sa totoo lang, hindi rin ako marunong mag-commute.He he. Napa-praning ako.

And suddenly, this Ethan guy showed up and claimed that he was some kind of an assigned guardian. Kinuha ko na ‘yung chance.

What am I even getting myself into?

Nilaksan nya ng super malakas yung volume ng stereo, binaba lahat ng bintana at nag-maneho ng napakabilis.

It was a fun drive home. The most fun I had in years.

Sinuot nya shades nya at nag-ayos ng buhok. “Shades? Really? Grabe ha, ang taas ng sikat ng araw. Sa sobrang taas hindi ko na makita. Bakit kaya? Oh I know, kase gabi na. Duh.”

  “Walang basagan ng trip, uy. Di ba pwedeng pa-cool lang muna?”

“You look ridiculous.”

“I look fabulous, che!” sabay irap ng mata. “Wag kang maarte. Ako ride mo.”

Gosh, you are so weird.

****

First day of school.

Balik sa dating gawi. Pero syempre, iba na ngayon. Iba na ‘tong school na ‘to. Rosewood Academy. Sosyal na pangalan, o diba? Hindi ko pa pala name-mention, pero hindi ito katulad ng nakagawiang storya na mahirap lang yung girl tapos scholar lang sa napaka-grandeng school.

We’re not exactly poor. And we’re not exactly rich either. Average lang. Yun bang may desenteng trabaho parents ko. Si papa, dating IT Manager. Malaki-laki ring pera yung iniwan nya samin, lalo na yung nakatago sa bangko. Si mama naman, isang teacher sa isang international school na hindi ako masyadong familiar. Malaki-laki rin yung kinikita nya. Nag-off lang sya for a week dahil nga sa nangyari, pero nag-resume narin sya today. But since wala na si papa, sooner or later, mauubos na yung pera na iniwan nya samin. I needed to find a job.

Pero sa ngayon, school muna.

“Hi.” may babaeng biglang nagsabi sa harapan ko.

“Uh, hi.”

“Hailey Rivera?”

“Yes.”

“I’m Abigail. Abby for short. I’m your welcome buddy!” Nag-shake kami ng hands.

A welcome buddy? Wow. Sa dating school kasi namin, kung baguhan ka, walang pakialam lahat ng tao sayo. Mag-sarili ka. I gotta say, biglang naging positive yung vibes ko about this school. At mukhang super friendly nitong si Abby. Mukhang magkakasundo kaming dalawa. Mukha lang. Hintayin nalang natin ang mga susunod na kabanata.

“…and lastly, ito yung school cafeteria. They give reasonable and affordable prices naman for the students. Sometimes we have Meatball Mondays, minsan meron ding Taco Tuesdays. Kung di mo naman trip yung pagkain dito, pwede ka ring lumabas ng campus. May Starbucks and Kenny Rogers dun, yun nga lang, medyo mas mapapagastos ka.”

Pagkatapos ng tour, we kinda parted ways. Magkaiba kasi yung class schedule namin, which was sad, but then I thought, kailangan ko ring maghanap ng kaibigang ako mismo yung lalapit. Pero ayus rin yung feeling na una kong nakilala si Abby.

Pumunta ako sa may locker ko, pero hindi ko mabuksan yung locker combination. Sana nagpatulong ako kanina kay Abby. But I’ve been switching numbers for more than ten minutes now, pero ayaw talagang magbukas. Halos sipa-sipain ko na yung pinto, ayaw talagang bumigay eh.

And then suddenly, may guy na lumapit sakin at nag-open ng lock.

Pano ko ba sya i-dedescribe? Tall. He was so frickin tall. Mukha syang isa dun sa mga siga na kinababaliwan siguro ng mga malalanding babae dito sa school. Siguro… siguro malandi rin ‘to. Makalapit naman kase. Eto yung mga pormahan ‘eh. Yun bang, mga ninja moves sa mga bagong transferee.

“Salamat.” sabi ko. Na may sandaling pagkislap pa ng mata.

Bigla syang nag-smirk. “You could’ve just asked for someone’s help. Mukha kang tanga.”

“Ha?!” bigla akong nagising ng onti. “Excuse me?!”

Tumuro sya sa likod ko at pagkakita ko, pinagtitinginan at pinagtatawanan na pala ako.

Grabe, nakakahiya.

Am I blushing? Yes, I’m definitely blushing. Dahil kung meron mang isang bagay na ayaw na ayaw ko, yun ay yung nilalaanan ng napakalaking atensyon. Huhu, nakakahiyaaaa.

Napatingin nalang ako sa sapatos ko, tapos bigla akong napaisip. Akala mo naman kung sinong mabait. Naawa lang pala saken yung lalaki. Well di ko kailangan ng awa mo! “Muryot! Mas mukha kang tanga!!!” Wait did I just say that out loud?

Shit.

“Anong sinabi mo?”

Eh, sinabi mo eh. Panindigan mo. “Bingi ka ba? Ang sabi ko, muryot ka! At kung mukha akong tanga, mas mukha kang tanga!”

Lumapit sya saken ng sobrang lapit. I took little steps backward. Hanggang sa nakaipit na ako sa gitna nya at ng hilera ng mga lockers.

Nilapit pa nya mukha nya sa mukha ko to the point na parang may invisible na libro sa gitna. His one arm resting on the locker, my two hands clutched together as they shook.

Too close, too close.

“Listen up here, whoever you are. If you’re smart, and I bet you are, wag mo ‘kong kakalabanin. You don’t even know anything about me and what I am capable of. Pwedeng pwede kitang ipa-kick out kasing bilis ng pagpasok mo dito sa school na ‘to. You understand me?”

Mas nilapit ko pa ang mukha ko sakanya sa sobrang bwisit. “Listen up here, you evil jerk na may sira sa ulo. Hindi ako natatakot sayo.” Sinasadya kong may tumalsik na laway sa mukha nya. “May itsura ka nga, ampangit naman ng ugali mo. Laslas ka na!”

“What the actual f—“

“Mr. Morales and Ms. Rivera!!!” ang nakakatakot na tunog ng boses ng isang babae.

Parehas kaming napatingin sa kanya. Hindi ko sya kilala. But the way she was dressed, and the way na nakalagay sa name tag nya, ‘Mrs. Trinidad’, made me think that she was the principal.

Bigla kong tinulak palayo si muryot. (I haven’t had his name yet).

“According to Violation Act #2304 Section 5, the well-known and the most common exploit of the Public Display of Affection is not a very responsible and moral deed to show as a model to all other students. It is therefore punishable not only by verbal and written warning, but also by a heavy disciplinary measure through five hours of service.”

So lahat kami nakanganga.

“In short, bawal makipaglampungan!!! TO MY OFFICE. NOW.”

Dream CatchersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon