Dream Catchers

765 16 5
                                    

Prologue. 

Minsan sa buhay natin, dadating sa punto na mas gugustuhin nating hindi na magising sa realidad.

Yun bang, parang mas okay nang nabubuhay ka sa isang magandang panaginip; sa isang mundong nilikha lamang ng imahinasyon mo, kaysa mabuhay sa isang masakit na katotohanan. 

Pero ikaw? Ano nga bang pipiliin mo? 

Si Hailey?

Mas pinili nyang dayain ang katotohanan. Mas pinili nyang maging masaya, kaysa isiping ang buong buhay nya, at ang mga tao sa paligid nya, ay isa lamang bangungot na nakatago sa isang napakagandang maskara. At ang nag-iisang problema sakanya, ay agad syang nagtiwala. 

Pero hindi mo rin sya masisisi. 

Dahil tulad mo, at tulad nating lahat....

..nagmahal lang rin sya. 

Dream CatchersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon