Chapter 5

145 7 1
                                    

Hindi naman ako siguro masamang anak kung hindi ko na sasabihin kay mama yung nangyari sa school diba? It was a false accusation anyway, right? Kagabi kasi, hindi ko na sya naabutang gising. Tapos kaninang umaga naman, nauna na syang pumasok. So ngayon lang kami nagkaabot pagkauwi ko sa bahay galing school.

Pagpasok ko palang ng bahay,nakatalikod na nanonood si mama ng tv. Akala ko hindi nya ko napansin, kaya nag-tiptoe ako papunta sa may hagdanan sabay paulit-ulit na, please don’t notice me, please don’t notice me. Pero paghakbang ko palang sa unang palapag, nahuli na ko.

Pero hindi man lang sya tumingin sa likod.

“Ehem… at san ka naman pupunta?” Gosh, that is so freaky. How does she do that?

“Ma, pano mo—“

“Hailey, may salamin sa harapan ko. Kanina pa kita nakita.”

Tanga, hailey. Tanga.

“Napano ka sa school kahapon, ha?” And this is exactly what I’ve been avoiding.

Eh maniniwala k aba pag sinabi ko yung totoo?

Umupo ako sa tabi nya at saka nag-explain. “Ma, pramis, wrong accusation. May loko kasing lalaki na ampangit pangit ng ugali tapos kasi ano… ang hirap i-explain. Basta yun, tapos akala nung principal na nag-ppda kami eh di ko naman sya kilala, at bakit ko naman papatulan yung ganung tao….”

“Naniniwala ako,”

“Eh ma sorry na nga. Hindi naman kasi—“ wait, teka lang. “Naniniwala ka saken?”

Dream CatchersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon