Cosette's POV
The bell rang...
Nakakalungkot tuloy.. Malay natin next school year 'di na pala kami magkaklase pfft. Nakasmile pa rin ako habang nakatingin sa kanila.
"Cosette pwede pa-picture?" nahihiyang tinanong ni Chad
"yea sure" sabi ko. Nagvolunteer si Scarlette na siya daw ang magpipicture samin
"thank you" sabi niya. "see you next school year Chad" 'di ko alam pero namula ata sya? Ewan ko din
"sette ano ?'di ka ba mag go-goodbye kay Theo" bulong ni Scarlette sa akin
"hindi na siguro... 'di pa naman 'to ang huli diba?" I look at her
"hindi pa nga.. pero this is your chance well not the first but-"
"No Scarlette... Makapaghihintay 'yan"
"ok if you say so.."
"GUYSSS isang group pic para may remembrance tayo na magkakasama!!" sigaw ni Ysab. Lumapit kami lahat sa adviser namin.Pagkatapos noon ay naggroup hug kami " mamimiss ko kayo lahat!! " sabi ko sa kanila at nagsabi din sila ng ganoon sa akin.
"tara na" sabi ko kay Scarlette. Ngumiti naman siya at sumunod sa akin.
"tawagan mo na si anne, Sette" pagkaupo ko sa passenger's seat ay tinawagan ko na si Anne
"Anne , ano? pinayagan ka ba ng mama mo?"
[Oo otw na ako hintayin nyo nalang ako]
"sige hintayin ka namin dito sa labas ng school, hinihintay pa namin sila migz e"
[ok sige malapit na ako]
"ge ingat ka ha bye".
"Asan na ba sila Migz?" inip kong tanong
"ewan ko nga din dun sa mga yun e" sagot ni Scarlette. Nilabas niya yung phone niya at tinext sila Migz
"ayan na pala si Carlos e" sabi ko. Pagtingin ni Carlos sa likod nahagip ng mata ko si Theo.Pinaghahampas ko si Scarlette sa tuwa
"Waaahhh tignan mo Scalrlette o!!! nasa likod ni Carlos sila Theo!!" pinipigilan ako ni Scarlette.
"Ano gagawin ko?? Bumaba ka na nga lang!! "
"ayoko nakakahiya!! mamaya isipin pa niya nainaabangan ko siya e" >.<
"tange sunduin mo sila Carlos nandun na din sila Van o!"
"nakakahiya namaannn!! oo na pft" binuksan ko yung pinto and waved my hand para makita nila kung saan kami nakapark.
"Ang tagal nyo naman!! saan ba kayo galing?" tanong ko habang sinusundan ng tingin sila Theo
"saan ka ba nakatingin?"sabay tingin nila Van sa tinitignan ko
"w..wala!! pumasok na kayo sa loob kasi wala pa si Anne". Pumasok na kami sa loob at pinuno nila ako ng asar. Hanggang sa nandito na si Anne at lalo pa nila akong inasar aba talagaaa!! pft.
Si Joshua ang nagdrive sa amin tapos kami nagkakantahan na sa likod hanggang sa may phone na tumunog, kay Scarlette pala yun mama niya tumawag sinabihan niya kaming mag-ingat
"Opo tita!!! We love you po!!!" sabay sabay naming sabi.
Papunta kami ngayon sa isang resort. Three days and two nights kami dun kasi lahat sila aalis ng bansa for a month, pero ako pass muna kasi may guitar lesson ako this summer.
Nakatulog ako sa byahe siguro 4 hours na kami bumabyahe. Pagkagising ko nakita ko sila na tulog at si Van na ang nagdadrive.
"Hindi ka inaantok van?" tanong ko.
"Nope okay lang" he smiled
"you sure?" tanong ko ulit
"yeah"
"pwede akong pumalit sa'yo kapag inaantok ka na. Sabihin mo lang sa akin" sabi ko
"Sige na nga para naman makapagpahinga ako" natawa kami parehas sa sinabi niya.
"may coffee shop na malapit dito e bili muna tayo" request ko
"okay basta bilisan mo lang sa pagpili ah baka bukas pa tayo makarating sa pupuntahan natin niyan" pang-aasar niya
"oo na!!" tumawa siya at tumahimik na hanggang sa makarating kami doon sa shop. Buti nalang at may express lane kaya mabilis ako nakabili. Pagbalik ko iniabot ko kay Van yung isang coffee at sumakay na uli kami sa sasakyan. Tulog pa din sila
"Tumabi ka na dun sa mga yun. Dont worry dahan dahan lang ako" sabay ngiti. Nagsimula na ako magdrive.
====================================================
BINABASA MO ANG
Hey Seatmate! I'm Your Angel (on-going mission)
Novela Juvenil"Hindi mo panaman talaga oras ehh" "ehhh bakit po nandito pa ako kung 'di ko pa naman po pala oras ?" "Dahil sa nangyari sayo..." "ehh ano po ba ang kailangan kong gawin para makabalik?" "madali lang naman ang paraan eh ,kailangan...