Azalea's
Early in the morning, as early as 4 o'clock, I was already packing my things.
Punyeta naman di ko nga magets bakit kailangang super aga kong magising. Nagkaroon kasi kami ng deal ni Noticus nung sinundo niya ako kahapon. Sabi niya madedelay daw ang mission ko basta't maaga akong magigising ngayon at napapayag niya naman ako. At pag sinabi kong napapayag niya nga ako, ibig sabihin lang nito, ginamitan niya ako ng dahas.
At ngayong maaga nga akong nagising, bigla niya akong pinag-empake.
Pakshet to! Gigil na gigil na ako pero titiisin ko nalang muna lahat.
"Casti, anak.."
Napatigil ako sa pagpapack nang marinig ko ang boses ng aking ina. Nilingon ko siya at nakita kong katabi niya rin si dad.
Binalik ko ang tingin sa aking mga gamit at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko sila pinansin kasi nasasaktan pa rin ako sa ginawang pagtapon ni dad sa lavaliere na bigay sakin ni Guls.
Importante yun for me kasi yun na lang ang natitirang alaala ko sa kanya. And now? Sinira niya lang. Sirang-sira to the point na halos nakikita ko ang sarili kong puso nang nabasag ito.
Nararamdaman kong unti-unting lumalapit sina mom and dad sa kinaroroonan ko. Pero kahit ulitin pa nila yung pagtawag nila sakin, wala pa rin akong balak na pansinin sila.
"Baby, I'm sorry. I know galit ka pa rin sakin sa ginawa kong pagbasag sa necklace mo. Pero sana maintindihan mo na ginagawa namin to para sayo at sa ikabubuti mo. Mahal na mahal ka namin, anak." narinig kong sambit ni dad. Di ko maiwasang maiyak sa sinabi niya. Kahit naman galit ako sa ginawa niya, di pa rin mawawala ang fact na ama ko siya and na mahal ko siya. Tumungo lang ako saka tuluyang tinigil ang ginagawa.
Narinig ko ang mahihinang hikbi ni mom kaya di na ko nakapagpigil at niyakap silang dalawa. Fuck what I said kanina. It doesn't matter na ngayon. All that matters is that kasama ko silang dalawa sa mga nalalabi kong oras dito sa isla.
Tumagal ng ilang minuto ang aming pagyayakapan at pag-iiyakan. Nang kumalas na ko sa yakap, tinawanan ko sila, hoping na sana gumaan ang atmosphere namin. Pero imbis na makisabay sila sa tawa ko just like the old times, mas lumakas pa ang kanilang hagulgol.
Nataranta ako dun at pilit silang pinatahan. Naramdaman ko naman na tumitigil na sila sa pag-iyak.
"Anak, magpakabait ka ha. Alagaan mo ang sarili mo dun. Wag kang maging pabaya lalong-lalo na sa kalusugan mo." naffeel kong maiiyak ulit si mom kaya hinalikan ko siya sa cheeks.
"So ako, walang kiss?" nagtatampong sambit ni dad kaya natawa ako. Pabiro ko siyang sinimangutan bago nagsalita.
"Bigyan mo muna ako ng bagong lavaliere." parang batang sagot ko. Napansin kong tila natigilan si dad sa aking sinabi kaya agad ko iyong pinagsisihan. Shit naman Azeine. Medyo okay na sana yun kanina e!
Babawiin ko na sana ang sinabi ko nang inunahan na ko ni mom.
"Ito na ang right time para ibigay sa kanya yun." narinig kong sabi nito kay dad. Tumango naman si dad at nakita kong may kinalikot siya sa kanyang relo.
Nagulat ako nang bigla itong umilaw at may lumabas na parang 3D na screen sa hangin na nagmumula sa kanyang watch. Hindi naman ito bago sakin pero nabigla lang talaga ako kasi di ko inakalang may ganon pala si dad.
BINABASA MO ANG
Sinful Meide
ActionZuì is the act of transgression against divine law. Měidé is moral excellence. Both combined into one mighty entity, the Peccatorum Virtutibus.