Azalea's
Tahimik lang kaming tatlo sa biyahe. Si dad na nagddrive, si mom na nasa shotgun and ako na nasa passenger seat.
Nakatingin lang ako sa bintana at inalala ang mga dapat kong alalanin at kinabisado ang mga dapat kong kabisaduhin. Kailangan kong maging prepared para sa mission ko. Di ko hahayaang masayang ang mga panahong pinag-aralan ko ang lahat ng ito.
"Casti, we're here." tinignan ko si mom na seryosong nagsalita. Napakaunusual ang pagkaseryoso ni mom. No, actually silang dalawa ni dad. Something's off.
Binalik ko na lang ang tingin sa labas at dun ko napagtantong nandito na nga kami. Nasa pugad na kami ng oubli.
I deeply sighed before bumaba sa voiture. This is it pakshit.
As I was making my way sa entrance, napansin kong hindi nasunod ang parents ko. Nagtaka ako kasi base sa mga nabasa ko, may ritual or something na parang ceremonial na dapat gawin ang mga parents pag magdedecamp na ang kanilang mga anak na měidé o zuì. Decamp ang tawag dahil dapat walang makakaalam sa aming pag-alis maliban nalang sa respective parents and sa mga authorities dito sa isla namin.
Nilingon ko ang voiture at nakitang wala na dun ang aking mga magulang. Napakunot noo ako. Wala na akong naiintindihan sa nangyayari.
Humakbang ako pabalik sa sasakyan pero di pa man ako nakakalapit nang may nafeel akong kakaiba. Pinakiramdaman ko muna ang aking paligid, specifically ang aking likuran. Muli akong naglakad pero muli rin itong naudlot dahil sa isang bagay na tumunog at palapit sa akin.
Tumalikod ako at doon ko nakita ang aking mga magulang na may tinapon na parang kutsilyo dahil sa patulis nitong dulo. Maagap ko itong naisalo pero dahil dalawa ang tinapon sakin, nagalusan ako nung isa.
I took a glance sa nacatch ko at napamura nang marealize kung ano yun. Transparent ang handle nito kaya kitang-kita ang laman na liquid. At kung di ako nagkakamali, ang liquid na ito ay isang chemical na magpapalimot sa isang tao. Pareho ang epekto nito sa pagkakaroon ng amnesia pero nakakasiguro naman na mababalik ang mga alaala ng tao pag dating ng tamang panahon.
Sinipsip ko ang parte na nagalusan, which is ang pointer at middle finger ko sa kaliwang kamay. Dinura ko ang nasipsip na parang lason lang ng ahas.
Tinignan ko nang masama ang dalawang may gawa nun. Pero nagulat ako dahil bumagsak sa sahig ang aking ina na dinaluhan ni dad. Agad akong tumakbo at nakita ko ang panghihina ni mom pagkalapit ko.
Naluluha silang dalawang nakatingin sakin na mukhang relieved na hindi ko maintindihan sa nangyari.
"Anak, wala nang oras. Pumasok ka na sa loob at iwan mo na kami ng mom mo. Alagaan mo ang sarili mo and always remember na mahal na mahal ka namin." tuluyan nang umiyak si dad. Niyakap ko silang dalawa at humalik sa kanilang mga pisngi. Tumango ako saka nagpaalam na.
"Babalik ako mom, dad. Wag na rin kayo mag-alala sa akin. Gagawin ko ang lahat para matapos agad tong misyon ko." tanging tango lang ang naisagot nilang dalawa. Sa huling pagkakataon, niyakap kong muli ang dalawang taong never mawawalan ng lugar sa puso ko.
"I love you both. Mag-iingat ako dun kaya dapat kayo rin." huli kong sambit.
Umalis na ako at pumunta sa kwarto ni Noticus. Di na ako kumatok at dire-diretsong pumasok at hinanap kung saan ang hayop na yun.
BINABASA MO ANG
Sinful Meide
ActionZuì is the act of transgression against divine law. Měidé is moral excellence. Both combined into one mighty entity, the Peccatorum Virtutibus.