Azalea's
I reached out for my phone sa maleta ko. Kakagising ko lang and tinatamad pa ako so hinanap ko ito without opening my eyes. No problem din naman kasi nasa tabi ko lang ang mga bagahe ko.
Kinapa-kapa ko ito hanggang sa nahanap ko na nga ito. Finally.
While nakapikit parin, I turned it on na nagpatunog dito. Tinapat ko ang kasalukuyan pang nag-oon na phone sa mukha ko at nung nasilaw na ako, binuksan ko ang aking mga mata.
Medyo sumakit ang ulo ko sa ginawa kong pagdilat kaya di ko agad naklaro ang nakasinding cellphone. Hinintay ko munang magfocus ang aking vision bago binalik ang tingin dito.
Tinignan ko ang petsa na naging dahilan para magulantang ako. The day that I left the island..
That was exactly 3 years ago!
Hindi ako mapakali sa nalaman. Ang dami kong sinayang na panahon.
I quickly got up and nag-ayos. I can't waste another minute dahil doon. Kinuha ko ang aking phone at naghanap ng anything na connected sa mission ko. Pero kahit anong gawin ko, di ito gumagana.
Nakakafrustrate lintek!
I tried typing and unfortunately, it still didn't work.
Hawak pa rin ang phone, I tapped my fingers dito dahil nababahala na ako. Pero nagulat ako kasi biglang gumana ang screen at kung ano na lang ang pinipindot nito.
Nabuhayan ako ng loob dahil doon so I tried pressing again but nainis lang ako. Hindi nanaman nagana!
Binulsa ko na lamang ang hawak saka napagpasyahang lumabas. I need to move fast. Baka malaman to ni Tito Hyp and tiyak na magagalit yun sakin.
Lumabas na ako sa pinagsstayan kong room. Nang makalabas na ako, di ko napigilang pagmasdan muna ang paligid.
Napansin ko ang maraming kwarto bago ang room ko. Nasa bandang gitna pala ito. I looked at my room number, C-00.
Dahan dahan akong naglakad habang nililibot ang aking paningin. Pumunta ako sa gitna ng hallway at tinuon ang atensyon sa mga rooms. Kapansin pansin at no doubt na walang nagsstay dito kasama ko.
Kumatok ako sa isang kwarto at dun ko nga nasiguradong mag-isa lang ako rito. Tinignan ko ang plate ng door kung saan nakalagay ang room number na nagpakunot ng noo ko.
This isn't my room. I'm sure na ibang kwarto ito.
Naguguluhan man pero I walked away para bumalik sa kwarto ko. Along the way, tinignan ko ang room number nung katabing room na pinagkatukan ko, pati ang tabing room nito, at ang sunod pang room nito.
Bakit C-00 lahat?
Pumasok ako sa pinakagitnang room at nakita ko naman ang mga gamit ko pagkabukas ko rito. I was beyond confused pero nagawa ko pa rin isarado ang room at dumiretso sa kabilang kwarto. I tried opening it but it was locked. Sinubukan ko rin buksan ang iba pang mga rooms pero nakalock ang lahat ng ito. Yung pinakagitnang room lang ang nakabukas, which is ang room na nilabasan ko kanina.
I made my way to the elevator nalang at isinawalang bahala ito.
"Destination." napatalon ako sa narinig na mala-robot na boses. Hinanap ko kung saan ito nanggaling nang tumunog ulit ito.
"Please tell me your destination, Měidé's Castitas." muli akong nagulat pero dahil na ito sa pagbanggit nung boses ng pangalan ko.
I looked around the elevator at dun ko lang napansin na wala itong kahit anong buttons. I inhaled deeply bago sumagot.
BINABASA MO ANG
Sinful Meide
ActionZuì is the act of transgression against divine law. Měidé is moral excellence. Both combined into one mighty entity, the Peccatorum Virtutibus.