CAMILA'S POV
nakahiga ako sa kama ng ospital.
Tama bumalik nanaman ako dahil madalas na akong nanghihina.
Naisip ko ang Problema ni Eugine ang sabi nya sa akin hindi alam ng fiance nya na pumupunta sya dito siguro dapat na sabihin niya na ito sa fiance nya kasi parang nagtataksil ang labas ee.
Baka isipin nya nagkakasala na sakanya si Eugine . ee mabait na tao si Eugine ee gusto nya lang talaga akong bantayan pero hindi ko naman kasi kelangan ng magbabantay ee
Nakahiga ako ng biglang malakas na bumukas ang pintuan kaya napatayo rin si Eugine. Minulat ko naman ang mata ko.
Nakita ko ang isang simple at magandang babae na nakatingin sakin para bang sinusuri ako.
"Ate , mali po ata kayo ng pasyente na pinasukan"Sabi ko rito. Pero hindi na sya sakin nakatingin kay Eugine na. Tumingin naman ako kay Eugine halata ang pagkabigla nya
Siguro sya
Sya yung fiance nya.
Sinampal ng babae si Eugine. At umalis ito ng umiiyak nakita ko sa mata ni Eugine na nsasaktan sya.
Ako ang nasasaktan </3 sa pinaggagawa ni gine ee / kung hndi lang ako nanghihina masasapok ko na yun.
Asan ba ang magaling kong Bff sa tuwing Kelangan ko syaa.
Biglang sumakit ang ulo ko.
Pero hindi ko ito pinakita kay Eugine hinarap ko si Eugine ."Gine. Habulin mo sya magExplain ka pag hindi na ayos ang relasyon nyo ako ang mageexplain sakanya" Sabi ko rito. Halatang nagulat sya sa sinabi ko tinignan ko naman sya na sinasabing ok lang ako.
Tumango ito sa akin. At lumabas na
Sana naman maging maayos na sila :(.
--
Rea's POV
Hi ako nga pala ang Bff ni Camila.
Papunta ako ngayon sa ospital para bisitahin ang bff ko.
ayaw sana ako papuntahin dito ng mama ko dahil sabi nya napapabayaan ko na ang pagaaral ko dahil kay Camila.
Pero hindi ko sya pinakinggan .
dahil
Isa si Camila kung bakit kumpleto na kami ngayon at may tinitirahan kami.
pero hindi alam ng mama yun. Dahil yun ang utos sakin ni Camila
mabait na bata si Camila. kaya kahit anong gusto nya ee sinusunod ko. Kaya hindi ko masisisi si Eugine kung bakit kahit may fiance na sya ee. Andito parin sya sa tabi ni Camila
Siguro nga hindi na nya mahal si Camila pero andun yung utang na loob nya kay camila. Nung sila dati ee halos parang hindi na sila maghiwalay. Sobrang bait ni Cams bago kasi sila magkakilala ni Eugine ee nabully muna si Eugine tsaka tinulungan ni Cams . Pero tadhana nga naman ni hindi nila alam na sila magkakatuluyan pero ayun nagkaroon ng fiance si Eugine.
Ilang buwan ko ng napapansin na nanghihina si Cams bago pa sya maospital. Hanggang sa Maospital na nga sya . Hay naawa ako kay Cams ee. Wala kasi magulang nya dito para alagaan sya kaya ako ang nandito para sakanya
Nasa Abroad ang parents nya naghahanap ng pera. One time Nagkwento sakin si Bes na . Bakit daw ganun parents nya. mamamatay na lang daw sya wala pa daw ang mga ito. Kesyo hindi nya naman daw kelangan ng pera .
Weel, I guess kelangan nilang magusap ng parents nya. Para hindi sya nagagalit sa mga ito.
Nakarating na ako sa ospital
makikita ko palang ang kwarto nya naiiyak na ako. Hindi ko alam kung bakit sya pa ang pinapahirapan ng ganito
Pagpasok ko nakita kong tulog sya na may luha ang mga mata
Naawa ako sa kalagayan nya
--
Eugine's POV
sinusundan ko si Angel ngayon at pipilitin kong maintindihan nya ang sitwasyon.
nakita ko sya sa parang garden ng ospital. Na nakaupo at rinig na rinig sa pwesto ko ang mga hikbi nya.
Niyakap ko sya sa likod at isinubsob ko ang mukha ko sa likod nya.
Rinig na rinig ko ang iyak nya. bawat patak ng luha nya ,parang dinudurog ang puso ko.
"Bitiwan mo ko gine"Mahinang sinabi nya pero sapat na para marinig ko.
"Hindi hindi kita bibitawan hayaan mo lang akong magexplain"Sbi ko rito. humarap naman ito sa akin pero hindi nakatingin sa mga mata ko
kitang kita ko na nasaktan sya
"Explain"Sabi nya hindi na ako nagdalawang isip na sabihin pa sakanya
Ikinuwento ko skanya simula ng naging kami ni Camila na wala pa sya kami na. Hanggang sa sakit nya hanggang sa sobrang pasasalamat ko dahil kay cams nagbago ako. maiintindihan nya naman kung sinabi kong si cams ang first love ko diba? kaya sinabi ko yun . kaya andito ako kay cams dahil sobrang laki ng pagpapasalamat ko sakanya
makikita mo ang awa sa mukha ni angel. Mukha namang naintindihan nya ee
"Halika Gel, Papakilala kita kay Camila. wag kang maalala mabait yun."Tumango naman ito. Hinawakan ko ang kamay nya papunta sa ospital.
-
Camila POV
nakatulog pala ako kanina nakita ko si Bff na nilalaro ang phone nya
" Best wala ka bang pasok ngayon?" pagtatanong ko sakanya.
"Ano bes wala teachers day . kaya walang teacher" Sabi nito Ilang Araw na pala ako hindi pumapasok ay mali ilang buwan pala.
tumango naman ako sakanya .
at pumasok ang doctor para tignan ang kalagayan ko.
"Ms.Choi. May iba ka bang nararamdaman"
"Wala naman po pero. May mga tumutubo pong pasa sa likod ng katawan ko at ang pagdugo po ng ilong ko kagabi lang po nangyari" Sabi ko sa doctor. nagulat si Rea sa sinabi ko sa doctor.
"Hala bakit hindi ko alam yan! Sino nagbantay sayo kagabi? hindi ba pumunta dito si Yaya mo para bantayan ka" sunod sunod na tanong nito skin napangiti naman ako ng mapait dito.
"Pinauwi ko si Yaya--" Hindi ko n natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong nakaramdam ng hilo.
"Ms.Rea as of now hindi natin pwedeng pagudin ang pasyente. Asan nga po pala ang magulang ni Ms. Choi" pagtatanong ng doctor kay rea.
"Next month daw po ang uwi nila" sabi ni rea. napatungo nalang ako. At lumabas na ang doctor naiwan lang si Rea dito.
--