REA POV.
Andito ako ngayon sa Church.
Nagdadasal na sana hindi nangyari sa amin ang nangyari noong nakaraang buwan.
Christmas na ngayon.
Pero wala ang Bff ko. samantalang last Christmas magkasama kami.
Hindi parin namin matanggap ang nangyari sa bff ko naiiyak ako.
Naiiyak ako tuwing maalala ko noong Nov. 18 BIrthday nya dapat ang kaso/
ang kasooo - Nawala sya
FLASHBACK
-November 18-
Gumising ako ng maaga para puntahan ang bff ko sa ospital.
Ito na ang araw na ayokong mangyari .
Pasakay ako sa sasakyan.
ng umiiyak
Dahil ito na ang araw na mawawala na sya ang taong mahal at minamahal namin.
Matatapos nadin ang paghihirap nya sa sakit nya.
Sobrang sakit
Lahat kami nandon na sa kwarto nya.
walang nagsasalita hanggang ngayon kasi tulog parin sya dalawang araw na syang ganyan.
"Anak. Gumising ka naman na ooh!" sabi ng mama nya na umiiyak parin.
meron parin namang tibok ang puso nya.
"Anak! Birthday mo na ngayon! naghanda kami para sayo. may regalo kami ng mama mo" Umiiyak na sinabi ng Daddy nya.
hinawakan naman ni Eugine ang Daddy nya.
kami naman ni Angel nakayakap kay tita.
ayoko na naiiyak na ako .
kanina pa pala ako umiiyak.
nababaliw na ata ako.
tumayo ako at lumapit kay Camila
"Camila, Bff. diba diba sasamahan mo pa akong maghanap ng boylet. nangako ka sa akin noon. babayaran pa kita sa utang ko diba !" naiiyak na sambit ko dito. pero hindi parin sya nagigising.
lumabas ang daddy nya para makabili ng tubig.
saktong pglabas ng daddy nya. namulat ni camila ang mata nya.
napangiti ako. ibig sabihin
Buhay sya mabubuhay sya.
hindi nya kami iiwan.
Niyakap ko ito ng mahigpit ganun din ang ginawal nila
"Anak gising ka . hindi ka namawawala sa amin" sabi ng mama nya pero ngumiti ng mapait si Camila sa amin.
isa isa nya kaming tinignan.
Sabay tulo ng mga luha sa mata nya
hindi di ba.
mali yung iniisip ko diba
mali.
"Mama. Mahal na mahal kita . asan si papa?" Agad naman pumasok ang papa nya at yumakap dito.
"Anak ko gising kana mahal na mahal ka ni papa!"sabi ng papa nya naumiiyak na lalo akong naluha sa nangyayari
"Papa. mahal na mahal ko rin po kayo."Nanghihinang saad nya na lumuluha. Pero nabasag ang katahimikan ng nagsalita sya na lalong ikinaiyak namin
"Mama , Papa mahal na mahal ko po kayo. nagkaroon man ako ng hinanakit hindi nawala ang pagmamahal ko sainyo" sabi nya ng umiiyak at pinapalapit ang magulang nya
Pagkapalapit ng magulang nya niyakap nya ang mga ito at hinalikan sa pisngi.
naiiyak ako sa nakikita.
Sunod na ginawa nya ay tinawag nya si Angel.
"Angel. Mahal na mahal din kita kahit sagklit lang tayong naging magkaibigan. Wag mong papabayaan sarili mo aa. wag krin papaunder kay eugine" natatawang sabi nya pero may mga luha na tumutulo sa mata nya. naiiyak na tumango si angel at niyakap ito.
"Eugine. Alam mong minahal, mahal at mamahalin kita. Hinding hindi kita makakalimutan. nagiisa kalang sa puso ko syempre bilang kaibigan" niyakap nya ito. Na umiiyak . umiiyak na tumango rin si eugine.
sunod akong lumapit.
ito na nga ba camila? hah. iiwan muna ako kami?
Naiiyak akong lumapit sakanya bago sya magsalita niyakap nya muna ako.
"Bff. tulad ng sinabi ko saknya. mahal na mahal din kita. Rea, pumunta ka sa bahay sa December 25 doon sa kwarto ko.may pinalapag ako kay yaya doon.
Tinignan mo." Naiiyak na saad nya. naiiyak na rin ako at niyakap sya.
Tumango ako sakanya. at lumabas muna ng kwarto para makapagpahangin
Kaso mali ata ang desisyon ko na lumabas kasi
Pagkalabas ko para akong tumalikod sa bff ko
pagkalabas ko tsaka nya isinara lahat ng pinto para sa amin
pagkalabas ko doon ko lang napagtanto na iiwan na pala nya ako.
Narinig ko sa labas ang Pagiyak nila ang hagulgol ng pagiyak nila.
Kaya mabilis akong pumasok.
mali rin ata ang pagpasok ko
Dahil wala na sya.
Wala na.
iniwan na nya talaga kami.
Humagulgol ako sa pintuan at doon umiyak ng umiyak.
-End of FlashBack-
Naramdaman ko ang tubig na tumutulo galing sa mata ko.
umiiyak na naman ako.
umiiyak ako dahil sa alaala.
umiiyak ako dahil iniwan nya kami.
Christmas ngayon ang usapan namin sabay kaming magpapasko at mamimili ng regalo para sa amin .
December 25 ngayon
Wait
December 25?
"December 25 pumunta ka sa bahay . kunin mo yung pinatong ko sa kwarto"
Naalala ko may pinapakuha nga pala sya. agad akong lumabas ng simbahan at sumakay ng taxi para pumunta sa bahay nila.
--
Pagpunta sa bahay nila tumungo agad ako sa kwarto nya.
nagtatakang sinundan ako ng magulang niya.
sa kama may nakita akong Camera. Hinanap ko yung connector at sinaksak sa tv.
"Tita tito. halika po may hinanda sa atin si Camila." Naiiyak na binanggit ko . agad silang tumakbo palapit sa akin.
tinawagan ko Eugine at pinapunta sila dito.
since pareho lang sila ng subd. ni Camila agad syang nakapunta ksama ang fiance nya. next month na pala ang bday ni Angel.
ng makarating sila agad kong pinlay ang video.
--