Pagka Play. Agad kaming tumahimik.
Nakita namin muli si Camila.
May tumulo na luha nanamn galing sa mata ko.
Nakaospital dress si Camila. At mapapansin mong naghihina sya sa video. sa tantya ko sa katawan nya. ginawa nya ito nung mga araw na wala kami .
bago sya nagsimulang magsalita. ngumiti muna sya.
"Hi. Rea, Hi Mama, Hi Papa Hi angel Hi Eugine. Alam kong pinapanuod nyo na to ngayon. Alam ko ring napapanuod nyo na to ng wala ako. Oh nako ! wag nga kayong umiyak . Haha ginwa ko tong video na to para sainyong lahat. Mainam na sigurong sabihin ko na last message ko na ito sainyo."Umiiyak sya habang sinasabi yan. pati ako umiiyak ng tinignan ko ang lahat umiiyak sila. pati ang mga katulong andito
"Sisimulan ko Kay Angel. Hi angel. Mhh. Paano ko ba sisimulan. Aa . Angel salamat sobrang salamat" Hindi na sya umiiyak habang nagsasalita siguro. kami na lang yung umiyak dito.
"Salamat Angel. Dahil sa konting panahon naging magkaibigan tayo. Ay oo nga pala sa magiging anak nyo ni gine. ninang ako aa hehe iProproxy ko nalang si Rea. Angel ingatan mo lagi sarili mo aa. Wag mo ng pabayaan sarili mo Advance happy birthday and advance congratulation para sainyo ni Eugine. Mahal na mahal kita Angel"
Tumingin ako kay Angel na nakayakap kay Eugine at umiiyak.
Maski alo napalapit na rin kay Angel. mabait naman kasi ito.
"Kyaaah. Eugine. Haha. wag kang umiyak jan para kang bakla patahanin mo nga si Angel !" Pasigaw nito sa video. na para bang nakikita nya kami
kung andito kalang talaga Camila. Namimiss ka na namin. Naiiyak na naman ako ano ba to.
"Eugine. Salamat din sayo kasi sa ilang yrs. na pagsasama natin naiparamdam mo na kahit papaano ay may nagmamahal sa akin. Napatunayan mo rin ang salitang forever kaso 2 yrs. nga lang hehe. Ay angel wag kang magselos aa.! Ikaw ang mahal ni Eugine" natatawang sinabi ni Camila. umakto pang nasasaktan ito pero nakangiti makikita mong masaya sya sa kalagayan nila Eugine at Angel. Nakita ko ring natatawa na si Eugine. napangiti narin ako. Pati ang mga magulang ni Camila.
"Maraming salamat din Eugine. Kahit na naging sakim at makasarili ako. Mahal na mahal kita. Bilang kaibigan haha" Natatawang sinabi nya . napapikit naman di Eugine at iyak parin ng iyak. kung titignan mukha na itong bakla kung hindi lang umiiyak ang lahay inasar ko na ito.
Tinap ng papa ni Camila ang Balikat ni Eugine at nakangiti ito sakanya. Yumakap naman ang mama nya kay Eugine at Angel.
"Mama At Papa. Wala po akong masabi hehe.isa lang naman kasi ang gusto kong sabihin sainyo ee. Mahal na mahal ko po kayo . Lagi ko po iyong pinaparamdam sainyo. ang kaso hindi ko sure kung nararamdaman nyo po." Nakayuko na si Camila. Pero agad syang tumingala at ngumiti kahit basa na ang mga pisngi nya.
"Gusto ko rin po humingi ng sorry. Dahil ang akala ko ee . wala na kayong pakialam sakin kaya naghinanakit ako noon sainyo. sorry po. Atsaka salamat po kasi kahit n-na hindi nyo po ako tunay na anak . E-ee Tinuring nyo parin akong anak. salamat, salamat ng sobra"Humihikbi nyang sinasabi sa video. Niyakap nmn ni tito si tita dahil matutumba na ito sa sobrang kakaiyak.
"Last , Hehe Rea Bff ! I-ikaw talaga hinuli ko. simula kasi nakilala kita noong first yr. magkasama na tayo. sa pangbubully nila lahat lahat. ikaw kasama ko kapag may problema ako andyan ka palagi, Bff Hindi na kita masasamahan maghanap ng boylet aa. Pasensya na hindi ko na kasi talaga kaya ee. P-pero wag kang magalala pagniloko ka ng boylet mo hahatakin ko paakyat sa langit yun" Natatawang Sinabi nya pero umiiyak ito.Umiyak na ako ng umiyak wala na akong paki kung marinig nila. hanggang ngayon kasi masakit parin.
Hinawakan ni Camila yung camera at animoy pinupunasan nya ang mga luha namin
"Wag kayong umiyak naiiyak narin kasi ako ee. huhu. Hindi pa ako tapos magspeech kay rea ee" ganun parin ang emosyon nito. Hagulgol lang ako ng hagulgol. Niyakap ako ni Angel at ni Tita . di tito naman ay yumuko lang at pinupunasan ang luha ng gagaling sa mata nya. si Eugine ay nakatingin sa malayo pero halata ang pamumula ng mga mata nito
"Rea. Wag ka ng pasawag dyan aa. tuparin mo yung usapan natin na magaaral ka at yung same course natin ang itatake mo. Rea salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa akin. Hinding hindi kita makakalimutan. paano kita makakalimutan kung ikaw ang naging sandalan ko noong may problema ako. Ay yung utang ninyo haha wag mo ng bayaran masaya ako na masaya ka. Mahal na mahal din kita Rea" Namumula na ang mga mata nito. Halos lahat kami dito umiiyak na.
"Ok. tama na ang drama. Mukhang masyado ko na kayong napaiyak hehe. I just wanna say I love you guys , Sorry for every mistake that I made. And Thank you, Thank you for everything . sa pagiging parte nyo sa buhay ko. Thank you. Gomawo ! Kamsamnida ! Jaljayo. Bogoshipnidaaa (Thanks. thank you. Goodbye. I miss you.) Iloveyou guys. magiingat kayo palagi ! Hinding hindi kayo mawawala sa puso at isipan ko kahit wala na ako". Yun yung huling sinabi nya at pinatay nya na ang video.
Hanggang ngayon hindi parin namim matanggap
hanggang ngayon nangungulila parin kami sakanya.
Hanggang ngayon hindi namin sya makalimutan.
Hinarap ko sina tito tita ang and eugine at sinabi ang mga salitang alam kong mahirap gawin pero kelangan
"I think. pinaparating nya sa video na kelangan na natin magmove on sa nangyari sakanya na kalimutan na natin ang lahat. At magsimula tayo muli ng masaya" Pumikit ako aa huli kong binanggit at tumulo na naman ang mga luha ko na animoy naguunahan sa isang karera
tumango sila at niyakap ako.
Ito na Camila.
Maglelet go na kami.
Magmomove on
at magsisimula muli.
sana maging masaya ka kung nasan ka man ngayon.
Mahal na mahal ka namin
Walang makakalimot sayo.
Sa mga kabutihan nagawa mo.
Dahil sa mga araw na kasama ka namin
Naparamdam mo sa amin kung gano kasaya ang mundo ng kasama ka.
Wakas.
