Eugine POV
Pumasok kami ni angel na magkahawak ang kamay sa kwarto ni Camila.
Ng makita kong nakahiga si Camila. Gusto kong umiyak sa kalagayan nya. Pero ayokong makitang nanghihina ako para sakanya.
"Camila,"tawag ko dito. Lumingon naman sya napalingon din si Rea. Halatang kakagaling lang sa iyak nito
Mukhang May masamang balita.
"May gustong sabihin si Angel sayo"Sabi ko kay Camila. ngumiti naman ito pero hindi nya pinagsalita si Angel. at sya ang nagsalita.
Camila POV
Nakahiga ako dahil kinuhaan ako mg dugo.
Hindi ko maintindihan wala na nga akong dugo kinukuha pa nila.
"Camila" Tawag sakin ng lalaking mahal na mahal ko.
lumingon ako dito. Nasaktan ako ng makitang magkahawak kamay silang pumasok ni Angel .
"May sasabihin si Angel sayo" Sabi nya sa akin at ngumiti ako. pero inunahan ko na ito.
Ito na yun.
Ito na yung araw na kelangan nakitang ilet go Eugine.
MASAKIT sobra pero . kelangan ee dahil may mga ibang tao na sa paligid natin na kelangan nating bigyan ng chance na mahalin tayo.
"Hi angel, Ako nga pala si Camila. sana mapatawad mo si Eugine. Ako ang pumilit sakanya na dito lang sya . sorry Alam kong nagibg makasarili ako at sakim . pero gusto ko lang naman sumaya ee. Kaso naisip ko na hindi ako sasaya. kung nakikita kong nahihirapan na ang mga taong nasa paligid." Pinutol ko ang sasabihin ko dahil unti unti ng tumutulo ang luha sa mga mata ko. isa isa kong tinignan si Rea at Eugine .
"sila lang kasi ang mga taong nagMamalasakit sa akin, Kaya Angel patawarin mo na si Eugine" Nagulat ako ng niyakap ako Ni rea.
"Tama na Camila. tumawag ang mga magulang mo uuwi na sila" yumakap narin si Eugine. at tinap ako sa ulo.
"Tumigil nga kayo. kausap ko si Angel" sabi ko sakanila humiwalay namn sila
"Angel, sana maging magkaibigan tayo. kahit sa mahiksing panahon lang." Ngumiti ako duto pati narin kay Eugine. nakita kong naluluha na si Angel.
"Angel sana wag mo kong kaawaan. Angel hinahayaan ko na kayo ni Eugine. Sana maging masaya kyo" Sabi ko dito at hindi ko na mapigilan ang umiyak . iyak lang ako ng iyak. niyakap din ako ni angel niyakap ko naman ito ng pabalik
"Sana camila. magpagaling ka" nong sinabi ni Angel to. Nagulat ako ng humagulgol si Rea at lumabas.
Kanina ko pa napapansin na malungkot si Rea. At parang may iniisip. Kanina pa ako nagdududa sa kinikilos nya.
"Oo magpapagaling ako" Sabi ko kay Angel at ngumiti. Nakaramdam ulit ako ng hilo at panghihina. agd nman yun napansin ni eugine.
"Angel. Halika na iuuwi na kita sa bahay. Magpapahinga nansi Camila" Tumango naman si Angel ng umiiyak . Bago ito umalis may sinabi ito na ikinasaya ko.
"Camila. Lagi kitang dadalawin dito aa! Magkaibigan na tayo! magpagaling ka" pasigaw na sinabi nya . napangiti ako at humiga
Natutuwa ako . habang umiiyak ito na nga ang sinasabi nilang tears of joy.
natutuwa ako dahil. Napunta si Eugine sa mabait na tao.
Hindi ako nagsisisi na nilet go ko sya.
At tuluyan na akong nakatulog.
---
