Chapter3:Mall <3

253 8 0
                                    

Clea Pov


"Kyaaahhhh! Excited na ako!" Tili ni Cassy, Bakit siya excited? Kasi pupunta kami sa mall!


"Baby Lex don't use your power ha!" sabi ni Alex kay Lex, sasama din samin si Lex!


"Ok AA ko!" sagot ni Lex at hinawakan yung kamay ni Alex at hinila palabas ng bahay! -__-


"Brey bilisan mo nga, naghihintay na dun si Manong Driver!" sabi ko kay Brey, magpapahatid lang kasi kami kay Manong Driver sa mall, tinatamad kaming apat mag drive eh at van yung gagamitin namin!


"Atat much Firene?" Tanong ni Brey, nagpeace sign naman siya sakin kasi sinamaan ko siya ng tingin!


"Aubrey Skyline? Clea Firene? Gusto niyo bang maiwan dito?" Tanong ni Alex na nasa pinto at na nakataas pa yung isa niyang kilay!


"Atat much Alexandra Aphrodite?" sabay na tanong namin ni Brey


"Psh!" yan lang ang nasabi ni Alex at nagwalkout kaya nag apir kami ni Brey at lumabas na!


"Young Ladies saan po tayo?" Tanong ni Manong Driver


"Duh, nandito tayo sa loob ng van!" sabi ni Lex, Anak ng tokwa naman oh! Bakit ba kasi hindi nag invisible to para walang ingay!


"Manong sa Aphro Mall tayo!" sabi nalang ni Alex kay Manong Driver, hindi na sumabat si Lex kasi tinakpan ni Alex yung bibig ni Lex! Nagtataka talaga ako sa ugali ng batang to, 14 years old ba talaga siya? Bakit daig niya pa yung 5 years old na bata?


"AA ko naman eh! Tama naman yung sagot ko ah!" sabi ni Lex kay Alex, hindi siya pinansin ni Alex kaya nagpout siya! Cute sana tong bata na to kaso napakadaldal


Paglabas ng sasakyan namin sa gate ganun din ang paglabas ng sasakyan sa bahay ng Apat na lalaki na nasa kabilang bahay! Napatingin naman dun si Alex at Lex pero agad din nilang binawi yung tingin nila ng nahalata nilang nakatingin ako sa kanila! Weird! -_-


Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon