#46 Daragon (wooooah)
#528 in Nightmare (gosh haha)
His name is Jiro Villanueva. Everyone looks up to him. But they never knew what Jiro is going through.
Something is missing in his soul.
Someone is missing in his soul.
Can he now find his missing...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Magkatabi lang kami ni dad sa kotse. Wala kaming kibo ng pumasok kami. Nararamdaman kong gustong magsalita saakin ni dad at nag- hehesitate lang siya. He knows if he engage a conversation with me, I will surely end it.
"Sir, nandito na po tayo." Sabi ng driver ni dad. Lumabas kaming dalawa ng kotse at pumasok sa isang restaurant. Nang kami ay naka- upo na at tumitingin na sa menu, nagsalita na ako.
"Is that all, dad?" Mas lalong bumigat ang mood sa pagitan namin ni dad. Tiniwag niya na lamang ang waiter at sinabi ang order niya; sinabi ko na rin ang saakin.
Nakatitig lang saakin si dad, ako naman iinikot ang aking paningin. Ilang minuto ng pagkakaroon ng katahimikan dumating na ang order namin at sinimulang kumain. "Jiro, I want to tell you something."
Iyan. Iyan ang hinihintay ko. Nag- didinner lang kami ni dad kapag may gusto siyang sabihin. Ang huling dinner namin ay two months ago, pinakilala niya saakin si Natasha.
Ngumisi na lang ako sa kanya. Binitawan ko ang tinidor at kutsilyong hawak ko. "What is it?" Magaan kong tanong. May halo ng pagiging sarkastiko ang pagkasabi ng tanong na 'yan kaya naman kumunot ang noo ni dad.
Niluwagan niya ang kanyang tie at inayos ang suit niya bago magsalita. "Do you know DT Company?" Tumungo ako. "Si Dether Tulio, ang president ng DT Company ay may malubhang sakit. DT Company is our partner, so earlier he told me want to merge the company of his and ours. I didn't boher to invite you at the emergency meeting, I know you're busy." Nagulat ako sa sinabi ni dad. "Ano 'yung sakit ni Mr. Tulio?" Tanong ko.
"Hindi ko din alam. Ang sabi niya lang saakin ay iiwan niya ang company sa anak niyang si Salmara Tulio. His wishes were simple, mag- merge ang company natin, ang magtetake- over sa DT company ay si Salmara Tulio." Patuloy lang pagtango ko. Alam ko na ang kahahatungan nito.
"But I have a condition," Tumigil sa pagsasalita si dad at huminga ng malalim. "I will let our company merge with his but..." Mukhang nag- aalinlangan pa siya kung sasabihin pa niya kung anong gusto nuyang sabihin saakin. Mukhang hindi na siya mapakali. Kinakabahan na rin siya. Tumingin siya sa mata ko na parang alam niya na ang magiging reaksyon ko. Tumingin siya sa aking mata na parang agila."... Salmara will marry you."
Natulala lang ako sa sinabi ni dad. Una, si Natasha. Ngayon, ang anak ni Mr. Tulio? I don't even know her! "Dad, please, tama na si Natasha. I don't want you to barge in to my personal life! I don't want to get married!" Angal ko. He's my dad oero kailangan ko din gumawa ng desisyon para sarili ko diba? I am 27 years old!
"This is not your personal life! This is your business life! Look at the benefits that you can get when you marry Salmara, don't you see? I'm doing this because this is the best." Sumandal siya at tumingin saakin na parang siya ang laging tama.