KABANATA V: Okay Bride

272 61 32
                                    

KABANATA V: Okay Bride

Naka- dating ako sa company at agad- agad pinark ko na ang kotse ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naka- dating ako sa company at agad- agad pinark ko na ang kotse ko. Sa pagpasok ko sa loob ng company, marami na ang bumati saakin. Tanghali ako pumapasok sa trabaho kaya marami na ang mga empleyado kasi umaga ang pasok nila.

Naging mahimbing ang tulog ko. Hindi man lang ako nanaginip o umiyak. Nakakapag- panibago dahil gabi- gabi lang ako umiiyak.

"Mr. Villanueva, good morning po." Bati saakin ni Sec. Alfonso. "Good morning."

"Mr. Villanueva, pinapatawag po kayo ni President. Nasa office niyo po siya, nandoon din po si Mr. Tulio." Ha? Anong nangyayari? Bakit nandito si dad at Mr. Tulio? Tungkol saan naman kaya ang pag- uusapan namin?

"Let's go." Tumungo si Sec. Alfonso sa salita ko. Sumakay na kami sa elevator at bumaba sa floor ng office ko.

"Mr. Villanueva, may aasikasuhin pa po ako regarding sa convention this year. Mauna na po ako." Tumungo ako. Hindi pa rin mawala saakin ang kaba dahil malakas pa rin ang epekto saakin ni dad. Parang nanliliit ako kasama siya. Mas gusto ko pang hindi siya makita.

"Galit ba siya?" Tanong ko kay Sec. Alfonso. "Me- medyo." Hinayaan ko ng umalis si Sec. Alfonso.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan. Nakita kong nag- uusap si Mr. Tulio at si dad.

"I'm just dissapointed Paul." Rinig kong sabi ni Mr. Tulio.

"I heard na pinapatawag niyo po ako." Singit ko. Tumingin sila saakin. I can see the sadness in Mr. Tulio's eyes.

"I'll let you guys talk. Excuse me." Pag- papaalam ni Mr. Tulio. Tinapik niya ang aking likod at umalis.

"So, anong pag- uusapan natin dad?"

"Well, let's talk about your behaviour, Jiro." He remarked. I gulped. Halatang galit ito sa tono ng kanyang boses.

"Mr. Tulio is deeply dissapointed with you actions. Leaving a weak and mere lady alone in a rainy dark night? Oh come on, Jiro. I should've known." May nangyari kay Salmara? Sadyang naguguluhan lang ako.

"What do you mean?"

"May lagnat si Salmara ngayon. Nag- commute siya papunta sa restaurant at naglakad siya pauwi dahil wala ng sasakyan na dumadaan. Add to that na umuulan pa at wala siyang payong na dala."

May lagnat siya? Naglakad lang siya pauwi? Bumigat ang pakiramdam ko at parang hindi ako makahinga. Naguguilty ako ng sobra.

"Pupuntahan ko siya." Sabi ko. Ayaw ko ng ganito ang nararamdaman ko. I am regretting everything. Dapat hindi ko siya iwanan ng ganoon.

"Then go. Make up." Walang emosyon na sabi ni dad. "I'm going." Pagpapaalam ni dad at umalis na ito.

Hinablit ko ang telepono at tinawagan si Sec. Alfonso.

Missing Puzzle Pieces #TheAbsolute2018 #TOA2018Where stories live. Discover now