Chapter 3: Be A Someone's Hero

8 1 0
                                    

MIKE POV

Ilang araw nadin ang lumipas simula ng magusap kami ni Sam about space na ibinigay ko sakanya at sakin nadin. Sa totoo lang naninibago nadin ako dahil sa hindi pag kontak sakin ni Sam this past few days, Tsss! Muka kong tanga sa ginagawa kong to. Pinalayo ko si Sam para matuto syang maging independent sa buhay pero ako naman tong hinahanap ang presence nya.

Sa totoo lang hindi lang naman din si Sam ang naging dependent saming dalawa , kahit ako. Napansin kong kinasanayan nadin ng sistema kong tulungan at palaging alalayan si Sam sa lahat. Siguro nga kasalanan ko din kung bakit nasanay syang maging ganun sakin. Masyado ko din kasing ipinaramdam sakanya na mahina sya at kailangan nya ko para makausad sya sa lahat, kaso mali eh. Maling ipiramdam ko sakanya na mahina sya, maling mawalan ako ng tiwala sa kakayahan niya, maling kunsintihin ko sya sa mga bagay na alam kong hindi naman talaga makakatulong sakanya.


*sighs....

Namimiss ko na din talaga si Sam, pero ayokong ako ang unang mag first move saming dalawa, ngayon pa't mukang nagagawa niya nang kontrolin ang sarili nya at pigilang wag akong palaging asahan...ngayon ko pa ba sya guguluhin?

"You can do it Samantha! I believe in you. :)"

yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko habang pinapanood si Sam na maglakad palayo sa school nila kaninang lunch time. Hindi ko alam kung saan siya papunta kanina and sa nakikita ko mukang okay naman siya , sinadya ko na lang din na wag magpakita sakanya para hindi na sya maistorbo pa at para nadin maging tuloy tuloy ang improvement na ginagawa niya para sa sarili niya.






Isang subject lang ang meron ako ngayong araw at dahil sa busy ang prof. namin sa pag che check ng thesis namin maaga nya na kaming dinismiss. Eto ang medyo nagpapagaan sa mga graduating na ng college. Bibihira na lang kayo magkaroon ng meeting sa mga professors nyo. Puro project at pag rerevise na lang ng thesis ang madalas niyong ginagawa. May ilang prof. naman na ayaw magpaawat sa pagiging attention seeker kaya kahit minor subject lang mas madami pa silang pinapagawa kesa sa prof. Na may major subjects.

Sa St.Catherine University nga pala ko nagaaral may kataasan din ang tuition dito pero dahil sa nag volunteer noon si mama bilang social worker para sa mga Yolanda victims isa si mama sa mga volunteers na nakakuha ng scholarship grant sa St.Catherine para sa mga anak nilang gustong makapag college.

Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit papaano matataas naman ang grades ko nung highschool kaya kahit hindi ako nahing valedictorian sa school nagawa ko pading makapasok sa St.Catherine sa kursong BS.Psychology.





Siguro nagtataka din kayo kung pano kami nagkakilala ni Sam no? :)
Actually gradeschool to highschool pa lang magkaklase na kami ni Sam nagaral kaming pareho sa Dalton Academy , hindi naman kami ni Sam yung mga klase ng bata na pansinin sa klase pero hindi din naman kami ganun ka-iwas sa mga kapwa namin estudyante siguro that time hindi lang kami yung mga klase ng bata na nagiging center of attention  kagaya ng iba.

Naging magkaklase kami ni Sam nung Grade 1 actually dapat talaga sabay kaming gagraduate sa college ni Sam ngayon pero huminto siya ng 2 taon sa di malamang dahilan noon kaya nung nag grade 5 ako tsaka lang sya bumalik para mag grade 2 . Medyo nanghinayang din ako at nagtaka sa pagkawala ni Sam noon sa school namin. Hindi man kami naging sobrang close ni Sam nung gradeschool kami kahit papaano nagkasama na din kami , kapag may school activities at events noon. Iilan lang din ang nag aapproach kay Sam nung grade 3 kami kasi hindi naman siya madalas lumalabas sa room kapag recess. Habang naglalaro kami sa school ground si Sam nasa loob pang ng classroom at magisang kumakain ng baon niya.

One Good Turn...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon