Chapter 11: This is the life we have

12 0 0
                                    

SAM POV



" Sam" 




" Mike?! " 




4 na araw nadin pala simula nung huli kaming magkausap. I mean— magbreak. Anong ginagawa niya dito?  Is he trying to explain himself again?  May nakalimutan ba siyang sabihin?  O may gusto siyang linawin.

Nakatitig sa'kin si Mike ngayon habang nakatayo kami sa labas ng gate.  Gulat na gulat ang itsura niyang makita na bumaba ako galing sa sasakyan ni Kai. Siguro nga,  bago sa mga mata niyang makita na may kasama akong iba. 


" What are you doing here? " naguguluhang tanong ko sakanya habang siya nakatitig padin sakin at mukang nagugulahan sa nakikita niya.


" I think i should go now "

Napatingin naman ako kay Kai nang bigla siyang magsalita at magpaalam.  Nakalimutan kong may kasama nga pala ako.


" Y-yeah... Sure... Thank you again :)" hanggang ngayon lutang padin ako sa biglaang pagsulpot ni Mike kaya kahit gusto ko man na magpasalamat ng maayos kay Kai dahil sa paghatid niya sa'kin hindi ko din magawa.


" Okay,  goodnight" yun na lang ang nasabi ni Kai pagkatapos ay tumingin siya kay Mike na para bang ramdam niyang may problema saaming dalawa, pagkatapos nun ay tumalikod na siya at bumalik sa sasakyan niya.



Katahimikan.



Isang mahabang katahimikan lang ang bumalot sa paligid namin ni Mike. Walang gustong maunang mag-salita,  pareho kaming hindi mapakali at pareho kaming nangangapa sa sitwayson.


" Sa'n ka galing? "


" I mean—saan ka nagpunta? "

Napatingin naman ako kay Mike after niya 'ko tanungin kung saan ako nanggaling.


" I hanged out with some other friends" matipid na sagot ko.

Hindi sumagot si Mike at tahimik lang na tumitig sa'kin. Alam kong sobrang awkward na ng sitwasyon namin pareho pero,  hindi ko din alam kung pano ko siya kakausapin. Ano nga ba ang dapat kong sabihin?  Kakamustahin ko ba dapat muna siya?


" I'm happy to know that,  buti naman nakakalabas labas kana kasama ang ibang...mga kaibigan mo" mahinang sagot ni Mike.


" Would you like to come in? " Wala akong ibang masabi kay Mike at wala din naman akong idea kung bakit siya nandito.  Ayokong maging agaw pansin kami dito sa labas kaya naisip kong alukin na lang siyang pumasok sa loob para makapag-usap kami.


" Yeah.... —sure. " matipid na sagot ni Mike.

Nauna akong pumasok kay Mike at sumunod naman siya.  Nagkataon namang may bisita din ang ibang mga kadorm-mates ko kaya mukang wala kaming lugar na mapupwestuhan ni Mike para makapag-usap ng maayos.

One Good Turn...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon