1
Ang puso koy umiiyak
Dahil sa mga nagaganap
Diko alam Kong saan Ako haharap
Dahil unti-unting naglalaho ang aking pangarap
II
Ang aming tirahang puno ng tawanan
Ay naspalitan na ng iyakan
Kailan kaya matatapos ang digmaan
Dahil mamamayan na ay nahihirapan
111
Mga sundaloy patuloy na lumalaban
Hinahangad nila ang kapayapaan
Kahit gutom na ang kannilang tiyan
Patuloy parin sila aa pakikipagbakbakan
1V
Maawa kayo sa ating kababayan
Silay nahihirapan na sa iyong karahasan
Mga batay wala ng mapupuntahan
Dahil sinira niyo ang tinatahak nilang daan.
V
Kung may hindi pagkakaunawaan
Mag-usap ng masinsinan
Idaan sa magandang usapan
At huwag sa karahasan
V1
Kung ikaw ay kristiano o muslim
Iisa lang ang lahi natin
Kaya dapat iisa lang ang ating layunin
Yon ay kapayapaan sa bansa natin.
Ipagpray po natin yong mga taga marawi at lahat ng naaapektuhan.Salmat and God bless.
YOU ARE READING
Tagalog Poem's And Quotes
PoetryIt's all about poem. Its all about me .it's all about others.
