1
Kapatid yan ang turingan nila
Pero bago ang lahat ng iyan
Dadaan ka sa kanilang patakaran
Titikman muna nila ang iyong buto't kalamnan
11
Dadaan ka sa isang proseso
Titignan nila kung ikaw ay susuko
Susubukin ang iyong kakayahan
Para malaman kung ikay may pakinabang
111
Kailangan mong magtiis
Kahit padyakan ka nila parang ipis
Dahil sa mga oras na iyon
Wala ni isa sa iyoy tutulong
1V
Katawan moy magiging laruan
Pinapadyakan,hinahagis at tapak-tapakan
Kahit gusto mong iwasan
Ay dika na makakatakas kailanman
V
Kaya ikaw mag-isip-isip ka
Baka bukas ay huli na
Sa hangad mong magkaroon ng kapatid
Ay sa sementeryo ka na ihahatid.
YOU ARE READING
Tagalog Poem's And Quotes
PoetryIt's all about poem. Its all about me .it's all about others.
