Addict yan ang tingin niyo sa akin
Isang kawawang taong palaging ulam ay asin
Isang pangit na taong walang namamansin
Nasa mga isipan niyoy siya'y isang pasanin
Porket walang laman ang aking mga buto
Akoy inyong binobola at inu-uto
Minsan sinasabihan pang kalansay
Na para bang isang bagay na walang saysay
Hindi ko maitatanggi na akoy isang simple
Dahil mas mahal pa ang mga kable
Kaysa sa mga pagkain aking binibili
Mapakain lang ang mga alaga kong pasaway na bulate
Huwag niyo naman akong maliitin
Kahit akoy mahirap din
May puso naman ako at damdamin
Na masasaktan tuwing kayoy tumitingin sa akin ng mas maningning pa kaysa sa mga bituin.
Walang laman man ang aking mga buto
At least may respeto ako sa inyo
Hindi tulad niyong puno nga naman ng laman
Hindi naman makatakbo pag nasa bingit ng kamatayan.
YOU ARE READING
Tagalog Poem's And Quotes
PoetryIt's all about poem. Its all about me .it's all about others.
