chapter 23

139 3 0
                                        

Sa mga nagdaan na taon
Marami akong sinayang na pagkakataon
Barkada dito,barkada doon
Na hindi ko napansin akoy pinaglipasan na pala ng maraming henerasyon

Marahil nga isa akong ligaw na damo
Di alam kong saan ba talaga dadako
Naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong kong binuo
Kung bakit ba talaga ako naging tao.

Marami akong nagawa
Mga bagay na hindi nakakatuwa
Sa paningin ng Diyos at sa iba
Pero masisisi niyo ang isang tulad kong ligaw sa daanan niya?

Ginamit ko ang mga araw,oras at minuto
Upang ipakita sa buong Mundo
Na kaya  kong mabuhay kahit wala ang mga pamilya ko
Na gagabay sa akin sa mga problem ko

Nagsisisi ang isang tulad ko
Dahil mas nanaig ang kasamaan sa puso ko
Pinalibutan ko ang sarili ko ng mga negatibong bagay
At iwinaksi ang pamilyang handang magmahal at mag-alalay

Natutunan kong dahil sa matinding galit ko
Nakalimutan kong may masasaktang tao
Dahil wala akong iniisip kundi ang sarili ko
At ang bugso ng damdamin ko.

Tagalog Poem's And QuotesStories to obsess over. Discover now